Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality hindi binastos ang network

0 379

Maraming nag-aalala ngayon para sa career ng isang popular na female personality. Nag-ugat ang kanyang karera sa isang malaking network pero nang magkaroon nang matinding problema ang istasyon ay lumipat siya ng bakuran.

Hindi naman siya basta na lang lumundag, nagpaalam naman siya sa mga ehekutibo ng istasyon, pero hindi sila nagkita sa gitna.

Ayon sa aming source na may malalim na alam tungkol sa kuwento, “Hindi niya naman binastos ang mga network executives, nakipag-usap naman siya, kaya lang, hindi sila nagkasundo sa gusto niyang mangyari.

“Hindi naman kasi napapanahon ang hinihingi niyang kundisyon, hindi kayang ibigay sa kanya ‘yun ngayon ng network,” unang pasada ng aming impormante.

Panahon ng pandemya ngayon, mahirap ang buhay, nagkaroon pa nang grabeng paghamon ang network na matagal niya nang pinagseserbisyuhan.

Patuloy na pagbibigay ng impormasyon ng aming source, “Ang sabi niya kasi, e, puwede naman siyang mag-stay sa network. Puwede siyang hindi na lumundag sa ibang bakuran.

“Pero kailangan siyang bigyan ng guaranteed contract. Ang ibig sabihin, may trabaho man siya o wala, e, kailangang dire-diretso ang talent fee niya.

“Kailangang sumusuweldo pa rin siya buwan-buwan kahit pa nakatengga lang naman siya, ganu’n ang gusto niya, guaranteed contract,” paglilinaw pa ng aming source.

Natural, hindi niya nakuha ang kanyang gusto, sa panahon ngayon na napakaraming artistang walang trabaho ay hindi napapanahon ang isang garantisadong kontrata.

Kuwento uli ng aming impormante, “Nakuha niya ang suweldong gusto niya sa paglipat niya, nagkaroon siya ng show, tinapatan pa nga nila ang show kung saan siya nakilala nang husto dahil sa pagkembut-kembot niya sa entablado!

“Kaso, hindi naman sila nagtagal, pagkatapos lang nang sandaling panahon, closed to you na agad ang show! Paano na siya ngayon? Saan na siya kekembot?

SM food to go Banner Ad

“Makabalik pa kaya siya sa iniwanan niyang istasyon kahit wala siyang guaranteed contract? Abangan!!!!” pabitin pang pagtatapos ng aming source.

Vilma ‘di nasira sa pera

Umandar na naman ang malabigang dila ng dating broadcaster na si Manong Jay Sonza. At magaling itong pumili ng kanyang bubuwisitin. Malalaking pangalan ang tina-target nito.

Mga dambuhalang isda sa dagat ang kanyang kinokontra at pinakakain ng ampalaya, ayaw ni Mang Jay sa mga gurami, dahil hindi nga naman magmamarka sa publiko ang kanyang upak.

Pagkatapos nitong tawaging bakla ang anak ni Kris Aquino na si Bimby, pagkatapos nitong ibalandra na buntis si Julia Barretto kay Gerald Anderson (na binawi din nito), ay si Congresswoman Vilma Santos naman ang pinagsalitaan nito ngayon na ikinainit ng ulo ng mga tagasuporta ng Star For All Seasons.

Naipasarado ang ABS-CBN, pero kahit naghihingalo ang network sa pagkawala ng prangkisa ay buhay na buhay pa rin ang istasyon, marami silang naging paraan para manatiling gumagalaw sila kahit pa umaasa na lang sila sa suwero.

Binuhay ni Cong. Vilma ang isyu ng prangkisa, hiling niya na muling mabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na makapagsahimpapawid nang malaya, ‘yun ang kinontra ni Manong Jay Sonza.

Tinanong nito si Cong. Vilma, magkano raw ba, napakarami na raw bobo sa kanilang hanay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya huwag na siyang dumagdag pa.

Sana’y mag-imbestiga muna ang dating broadcaster bago bumira, sana’y binalikan muna nito ang kartadang pinagdaanan sa mundo ng pulitika ni Ate Vi, dahil sasampalin ito ng katotohanang minsan man ay hindi nasangkot sa usapin ng pera ang aktres-pulitiko.

At karapatan ni Cong. Vilma ang magpasa ng bill para muling buksan ang kaso ng pagpapasarado sa ABS-CBN, hindi krimen ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa kahit sino at sa anumang korporasyon, ano ang pasaporteng meron si Mang Jay para personalin ang aktres?

Hindi na kasi abala sa karera si Mang Jay Sonza, pinag-iwanan na ito ng kanyang mga kasamahan, kaya napakarami nitong oras para mangbira na lang nang mangbira sa kanyang account ng mga taong hindi naman nang-aabala sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.