Abante Tonite Interactive

Female personality humagulgol sa casino

3,821

NAKAKALOKA ang kuwento ng isang source tungkol sa isang female celebrity na walang patumanggang humagulgol nang humagulgol sa isang matao, mausok at punumpuno ng mga makinang walang tigil sa pagtunog sa araw at gabi.

Ang dahilan ay isusuksok na lang niya ang card sa makina, pero may isang mas mahabang kamay na nauna kesa sa kanya, dalawang segundo lang ang pagitan nu’n.

Pagkatapos lang nang walong minuto ay tumunog ang makina, umilaw, nanalo nang mahigit na tatlumpong milyong piso ang nakaupo sa makina.

Kuwento ng aming source, “Naku, talagang humagulgol siya! Paano nga naman, pera na, e, na­ging bato pa! Ilalagay na lang niya ang card sa machine, pero biglang may umeksenang mas mahabang kamay, naunahan siya!

“Juice colored! Hinayang na hinayang siya sa mahigit na thirty million pesos na pinanalunan nu’ng may mahabang kamay! After eight minutes lang ‘yun, ha?

“Imagine nga naman, kanya na sana ‘yun, pero napunta pa sa ibang mga kamay? Sising-alipin siya, kung nauna lang daw siya nang two seconds, kanya na sana ang jackpot!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sa naturang lugar pa rin ay kalat na kalat ang kuwento tungkol sa isang pamosong male personality na palaging inaalat sa pagsusugal. Pilit itong bumabawi, pero parang career din nito ang palaging resulta, waley!

Patuloy ng aming source, “Naku, kapag hindi pa rin siya tumigil sa pagka-casino, siguradong mauubos ang lahat ng mga naipundar niya! Palagi siyang talo! Pati ang sasakyan niya, naipeprenda na niya sa mga financiers du’n!

“Sa sobrang panggigigil niyang makabawi sa milyones niyang talo, e, lalo lang siyang nalulugmok! Naka-taxi na nga lang siyang umuuwi dahil nakasangla na pati ang car niya!

“Tantanan na kasi niya ang pagsusugal para may matira pa para sa kanya, dahil kung hindi, siguradong babalik siya sa kangku­ngan kung hindi pa rin siya tumigil!” payo sa kilalang male personality ng aming source.

Willie nililigawang Mayor ng QC

NASA sangandaan ng kanyang buhay ngayon si Willie Revillame. Sa mga susunod na linggo ay kailangan na niyang magdesisyon. Papasukin ba niya ang mundo ng pulitika o ipagpapatuloy na lang niya ang pagtulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin?

Alam namin ng maga­ling na broadcaster na si Ted Failon ang mga nagaganap ngayon. Paulit-ulit na binabalikan si Willie ng mga kilalang pulitiko sa Quezon City para kumbinsihing tumakbong mayor ng lunsod.

Ilang pulitiko na ang nakikipagmiting sa aktor-TV host, meron pang resulta ng survey na ipinakikita ang mga ito sa kanya, sana raw ay tanggapin na ni Willie ang alok para makagalaw na ang partido.

Hindi na kuwestiyon ang mabuting puso ni Willie sa pagtulong sa ating mga kababayan. Mara­ming buhay na ng mga kapuspalad na Pinoy ang binago niya ang antas ng kabuhayan sa pamamagitan ng kanyang mga programa. At kung pagtulong lang ang magiging barometro ng pagtatagumpay sa mundo ng pulitika ay napakalaki ng laban ni Willie.

Pero ang tanong, nasa puso ba ni Willie ang pakikilahok sa pultika, nu’ng mga nakararaang taon ay marami na ring lumapit sa kanya para tumakbong gobernador ng Nueva Ecija pero hindi nya ‘yun pinagbigyan.

Ngayon ay sa Kyusi naman ang inilalapit na posisyon sa kanya, mas masisidhi ang mga pulitikong nang-iimbita sa kanya nga­yon, talagang binabantayan ng grupo ang kanyang magiging desisyon.

Payo ng mga nagmamalasakit niyang kaibigan ay kailangan lang muna niyang makinig, balansehin niyang mabuti ang sitwasyon, para kapag nagdesisyon siya ay isandaang porsiyento na siyang handa sa malaking laban.

Pero kung destiny talaga ni Willie Revillame ang maging lingkod-bayan ay walang makahaharang sa kanyang paglahok sa mundo ng pulitika.

May nakapag-isip ba nu’n na magiging senador pala ang Pambansang Kamao?