Abante Tonite Interactive

Female personality iginarahe ng milyonaryong lolo

696

MARAMING nagkokomento na sinayang ng isang magandang female personality ang ­kanyang kabataan sa piling ng isang milyonaryong ­lalaki na halos lolo na niya ang edad.

Batambata pa kasi siya, napakalawak ng mundo para sa kanya, pero maaga siyang iginarahe ng may edad nang karelasyon niya.

Kuwento ng aming source, “Matagal ding naging karelasyon ng girl ang milyonaryong papa niya. Hindi sila nagkaanak, pero ang haba-haba ng panahong ninakaw sa kanya ng relasyong ‘yun, ha?

“Ang dami-daming nagkakagusto sa kanya, pero nagulantang na lang ang lahat nu’ng lumabas ang kuwento na sila na pala ng may edad nang milyonaryo!” ­simulang kuwento ng aming source.

Napakalaki ng nagbago sa buhay ng kanilang pa­milya,­­ nakapagbi­biyahe sila nang ­grupo-grupo, ibi­nigay ng ­female ­persona­lity ang lahat-lahat ng luho ng ­kanyang mga magulang at ­kapatid.

Patuloy ng aming source, “Natupad ang lahat ng ­pinapangarap niya para sa family niya. Magandang bahay, magagarang sasakyan, pagbiyahe na hindi nila naranasan kahit kailan.

“Pero masaklap ang naging ending ng rela­syon nila, okey lang pala ang milyonaryo habang sila pa ang magkasama, pero nu’ng humiwalay na siya, e, wala siyang nakuha.

“Mga personal na kagamitan lang ang na­ibaba niya sa mansiyon nu’ng lalaki, kahit isang dokumento ng bahay-bakasyunan nila, wala siyang nakuha, wala ­naman pala kasi sa pangalan niya ‘yun, nasa lalaki!

“At ang mga branded bags niya, hindi na rin niya nakuha, sinabuyan kasi ng pintura ng guy ang mga gamit niya, tuklap-tuklap na, kaya para ano pa at bibitbitin niya?

“Pero maligaya na siya nga­yon, may lalaking tunay na nagmamahal sa kanya, reyna kung ituring siya ng guy. Hindi man tulad ng dati ang buhay niya na napakapabolosa, e, wala namang makakapantay ang kaligayahan nila ngayon ng asawa niya,” seryosong pagtatapos ng aming impormante.

***
Claudine nanumbat sa manager

Ano kayang masa­mang hangin ang nalanghap ni Claudine Barretto at war freak na naman siya ngayon? At ang kanyang pinupuntirya ay ang mga anak ni Tita Dolor Guevarra­ na sina Jaypee at Vanessa.

Kaibigan nina Kuyang Tony “Boy” Cojuangco at Gretchen Barretto si Tita Dolor at ang ­kanyang mga anak. ­Madalas ­silang magkakasama, kapag nag­lambing si Gretchen at libre naman ang mag-ina ay magkakasama sila sa bahay ng aktres sa Makati, kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan­ du’n.

Gumawa ng kuwento si Claudine na nu’ng ­minsan daw na nagpunta siya sa hahay ng ate niya ay tiningnan siya nang mula ulo hanggang paa nina Jaypee at Aness. Kuwentong gawa-gawa lang dahil nang pumasok pala siya ay si Gretchen lang ang nakakita sa kanya dahil nakatalikod ang mag-iina sa bilog na mesa.
Kung anu-anong panu­numbat ang sinasabi ni Claudine, kesyo sa bahay na raw ng ate niya halos nakatira si Tita Dolor­ at ang kanyang mga anak, nakikinabang daw kasi ang mga ito sa kanyang ate.

Nag-uuwi raw ng mga pagkain sina Tita Dolor kapag nanggagaling sa bahay ni Gretchen. Nakakatawang ­panunumbat, palibhasa’y nagkukulong lang sa kanyang kuwarto si Claudine at may kung anong pinagkakaabalahan ay wala siyang kaalam-alam na si Tita Dolor pa nga ang luto nang luto at padala nang padala ng mga pagkain sa kanyang mga kaibigan,­ puwedeng magtayo ng restaurant si Tita Dolor maging si ­Jaypee dahil masarap silang­ magluto.

Inaapuntahan ng inggit­ si Claudine. Bakit nga naman ang mag-iina ang madalas na kasama ni Gretchen, ­samantalang sila ang magkapatid, pero heto naman ang tanong.

Dinadalaw man lang ba niya si Gretchen kapag wala siyang kailangan? Kailan lang ba niya naaalalang puntahan ang ate niya? Kapag meron siyang mga bayarin? Kapag kailangan niya ng pampaospital?

Bilang manager ay malaki ang kinikita ni Tita Dolor, may mga TVC ang kanyang mga alaga (Zoren Legaspi at Carmina Villarroel), may regular na trabaho sina Manang Inday (Susan­ Roces) at Direk Eric Quizon.

Ang tanong, ano ba ang pinagkakakitaan ngayon ni Claudine ­Barretto? May trabaho ba siya? Sino ngayon sa kanila ni Tita Dolor ang umaasa kay ­Gretchen at nakikinabang? ­Diretsuhin na natin. Sino ba ang hingi nang hingi ng tulong kay Gretchen?

Hay, naku, totoong-totoo! Thinkers are doers!­