Abante Tonite Interactive

Female personality ikinulong ang BF

282

tonite-no-thanks-cristy-ferminAnumang sob­ra ay hindi nakagaganda sa isang relasyon. Sob­rang pagmamahal, sob­rang pagseselos, sob­rang panghihingi ng oras at atensiyon.

Lahat ‘yun ay lason ang hatid sa pakiki­pagrelasyon, kailangang katamtaman lang ang timpla, para walang nasasakal at nagsasawa.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n ang nangyayari sa isang showbiz couple. Parang nasasakal na ang guy dahil sobrang bantay-sarado sa kanya ang girlfriend niya.

“Kahit saan magpunta ang guy, e, naka-check agad ang girl, kahit pang-boys night out ang pupuntahan ng guy, ang gusto ng girl, e, kasama pa rin siya.

“Natural, sa umpisa, e, okey lang ‘yun, proud na proud ang lalaki dahil sobra siyang mahal ng girl, feel na feel niya ‘yun!

“Pero nu’ng magtagal na ang relasyon nila, feeling ng lalaki, e, masyado na siyang ikinukulong ng girl, sinasakal na siya, kaya natututo siyang lumakad nang walang paalam.

“Nakikipagkita siya sa mga friends niya, umaga na kung umuwi, pero ang alam ng girl, e, nasa bahay lang siya at tulog na tulog!” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero mautak ang female personality, pina­kabitan niya ng landline ang boyfriend niya, ‘yun ang the height ayon sa aming source.

“Nakakaloka siya! Para lang makasigurado siya na nasa house nga lang ang BF niya, e, pinakabitan niya ng landline! Kapag nagtse-check nga naman siya, e, alam niya kung saan nandu’n ang guy! Pero mas mautak kesa sa kanya ang male personality!

“Ang landline na ipinakabit ng girl, e, naka-divert sa cellphone niya, kaya kapag tumatawag ang selosa niyang girlfriend, walang pagdadalawang-isip siyang sumasagot, pero nasa labas siya ng bahay!

“Nakakaloka ang magkarelasyong ‘yan! Sobra ang love ng girl sa boyfriend niya, pagmamahal na nakasasakal na, kaya baka isang araw, e, mabalitaan na lang natin na break na sila!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
***

Bumangga kay Coco nabukulan

Kapana-panabik ang lahat ng mga eksena sa Ang Probinsiyano. Wala kang pipikitan ng mata habang nanonood ka dahil sayang, baka makalampas ang maaaksiyong tagpo, sayang din dahil baka meron nang namamatay na mahalagang karakter ng serye.

Pero may isang nakakuwentuhan kami na ang gustung-gusto habang pinanonood ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ay ang location nito.

“Napakasarap panoorin ang mga bundok, parang painting ‘yun, mahusay silang pumili ng location at tala­gang dinadala ka nila sa isang napakagandang lugar na hindi mo pa nararating,” papuri ni Liza na walang pal­yang nanonood ng Ang Probinsiyano.

Sa Tanay, Rizal ang mga napapanood na­ting eksena sa serye. Du’n piniling mag-shooting ng Ang Probinsiyano dahil napakatahimik ng lugar. May kalayuan lang pero nakikita naman natin ang positibong resulta ng pinili nilang lugar para dayuhin.

Hindi nga lang basta bakbakan ang tutok ng serye, magagaling ang kanilang mga artista, pati ang mga talents (extra) na kinukuha nila ay nakaaarte rin.

Kuwento sa amin ng staff ng AP, “Hindi puwede kay Coco ang basta lang. Kailangang maayos at maganda ang eksena. ‘Yung paglilibing kina Ryza at Lito Lapid sa ituktok ng bundok, grabeng oras ang kinain nu’n!

“Pero nakita n’yo naman ang kinalabasan, parang postcard ang mga scenes, si Coco ang may idea nu’n,” sabi nito.

Kaya naman kahit anong serye ang tumapat sa kanila ay sumusuko, natatapos nang wala sa panahon, pader na ang serye kaya kahit sinong bumangga du’n ay siguradong mabubukulan.