Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inaalat ang career

0 673

Pana-panahon nga lang naman ang buhay. May oras ng pagtatanim at pag-ani. May panahong nasa ituktok ang tao at dumarating din ang puntong napapailalim naman siya sa gulong ng buhay.

Sa mga nagaganap ngayon sa buong mundo ay napakaraming naging pagbabago. Walang may gusto, pero nagaganap na nga, minsan pa ay puwedeng sabihin na wala ngang forever.

Sa isang malayuang pagkukuwentuhan ng mga taga-showbiz ay naging paksa nila ang isang kilalang female personality na nabigyan ng pagkakataong gumanda ang kabuhayan.

Natupad ang kanyang matagal nang pangarap na magkaroon ng career dahil sa suwerteng hatid ng sumikat niyang kapamilya.

Kuwento ng isang source, “Siya agad ang naalala namin nu’ng maganap ang indulto sa pinagtatrabahuhan niyang network. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?

“Inaalat ang career niya, tigil ang pagkita nila nang milyones ng kadugo niyang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng career!” unang sultada ng impormante.

Naging usap-usapan na kasi nu’n pa ang biglang pagbabago ng female personality. Parang nakalimutan na niya ang kanyang mga pinagdaanan.

Patuloy ng source, “Pinagbago siya ng popularity na kumbaga, e, sabit lang naman siya dahil sa suwerteng nangyari sa kapamilya niya.

“Tumayog ang lipad ng ale, hindi na niya kilala ang mga taong dati, e, nakakasama niya. Pati ang mga kaibigan niyang nagbibigay ng ayuda sa kanilang mag-iina nu’n, e, hindi man lang niya nakukumusta!

“Ang nagagawa nga naman ng popularity na wala namang promise kung hanggang kailan niya mahahawakan. Ang nagagawa nga naman ng pera.

“Paano yan ngayon? Saan pa siya iikot, e, nawindang ang career niya dahil sa kawalan ng venue? ‘Yun ang mahirap sa mga taong maigsi lang ang memorya.

“Madaling makalimot. Nagpapadala agad sa agos ng biyaya na hindi niya naman alam kung hanggang kailan. Pero nakaipon na rin naman siguro siya, kailangan na niyang pag-ingatan ‘yun, dahil puro palabas ang datung niya ngayon.

“Or else, babalik na naman siya sa dati na nagbababad sa opisina ng mga friends niya para sa panghihingi ng ayuda!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Jinkee inokray sa Hermes bike

Hanggang ngayon ay paksa pa rin ang paglalabas-pagpo-post ni Jinkee Pacquiao sa mga branded na bisiklitang inorder niya mula sa Paris.

Wala naman sanang problema du’n, pera namang pinaghirapan ng Pambansang Kamao ang ipinambili niya ng mga branded na bisiklita, hindi naman ‘yun nanggaling sa bulsa ng iba.

Kinapos lang sa tiyempo ang misis ni Senador Manny Pacquiao, naging insensitibo siya sa kasalukuyang panahon, hindi nga naman maganda sa panlasa na habang nagdarahop ang buong bayan dahil sa COVID-19 ay saka pa niya inilabas ang retrato ng branded na bisikletang nagkakahalaga nang daang libo.

Sana’y naisip man lang ni Jinkee na hindi ito ang tamang panahon para ipaalam niya sa publiko na meron silang branded bicycle.

Hindi ‘yun matatanggap ng mga kababayan natin, lalo na ang mga manggagawang nawalan ng trabaho, ng mga nagsarado na ng kanilang mga negosyo dahil sa epekto ng salot.

Marami pa namang ibang pagkakataon para niya maipagmalaki ang bisikletang branded na gawa sa Paris, kapag uminam-inam na ang takbo ng kabuhayan natin ay napakalawak ng espasyo para maipagmalaki niya ‘yun, pero hindi ngayon.

Pinakasensitibong panahon ang pinagdadaanan hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Hindi ito ang panahon ng pagmamalaki ng kung anumang meron ang bukod na pinagpala.

Sabi nga ni Rein Cortez ng Dimples Ricecrackers, “Sana, iba ang bisikletang binili pa niya sa Paris. Sana lumilipad ‘yun at hindi nakasayad din ang dalawang gulong sa lupa!

Leave A Reply

Your email address will not be published.