Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inaayawan na dyowa ng hunk actor

0 107

Halatang-halata na maraming mga tagahanga ng isang kilalang male personality ang hindi aprubado sa bago niyang girlfriend.

Gumagamit pa ng ibang tao ang grupo para lang idiin ang katotohanan na ayaw nila sa bagong karelasyon ng kanilang idolo. Mahina ang kapit sa kanila ng magandang female personality.

Kuwento ng aming source, “Matagal na nilang ayaw kay girl! Hindi pumasa sa panlasa nila ang female personality, kasi raw, masyadong pasosyal!

“Meron silang minamanok para sa male personality, kaso, nagkahiwalay, pero kahit ganu’n ang nangyari, hindi pa rin nagbabago ang choice nila. Ayaw pa rin nila sa girlfriend ngayon ng hunk actor!” unang pangma-Marites na sabi ng aming impormante.

Bakit nga ba ayaw ng mga tagasuporta ng male personality sa kasalukuyan niyang karelasyon? Maganda naman ito, sikat, meron pa ba silang hinahanap sa girl?

Sultada uli ng aming source, “’Yon na nga, sobrang sosi kuno ng girl, hindi nila ma-reach! Malaki raw ang kaibahan nila ng girl na gustung-gusto ng tropa para sa male personality!

“Naku, napakalaki nga raw ng difference nila, dahil ang ex ng idolo nila, e, magaling makibagay sa kahit anong klase ng tao! Kung jologs ang kaharap niya, jologs din ang girl!

“’Yon kuno ang wala sa girlfriend ngayon ng hunk actor, feeling-sosyal na sosyal kasi, hindi marunong mag-adjust! Natural, ayaw ng mga faney ng male personality sa nagpi-feeling!

“Nu’ng ang male personality pa raw kasi at ang ex niya ang magkasama, e, masasaya ang mga faney nila! Para raw silang isang malaking pamilya! Pero dito sa current GF ng idolo nila, e, wala silang maramdamang sincerity!

“Meron pa ngang mga faney na nagsasabing tinitingnan daw sila ng girl mula ulo hanggang paa! Maldita raw ang girl, hindi marunong makibagay, kaya pati ang mudra ng male personality, e, hindi rin boto sa kanya!

“Very close pala ang mommy ng male personality at ang ex niya. Palagi silang magkasama, ipinasusundo pa pala sa probinsiya ng girl ang biyenan niyang hilaw!

SM food to go Banner Ad

“At ang the height! Selfish daw ang girlfriend ngayon ng hunk actor, ayaw niya sa maraming tao, gustung-gusto niyang sinosolo lang ang boyfriend niya! Kaya naman pala!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Lorenzo ‘di tanggap ang kabastusan

Parang karayom na itinapon sa bunton ng dayami na hindi namin maapuhap ang dahilan kung bakit may anak na dinala nang siyam na buwan, pinalaki at minahal ng kanyang ina, pero lalabas lang palang suwail at sungayan.

Hinding-hindi tanggap sa ating kultura ang pinalutang na kabastusan ni Lorenzo, anak ni Senadora Loren Legarda, na isinapubliko pa ang pagmumura at pagtatakwil sa kanyang ina.

Sabi ng isang kausap namin, “Hindi lang ako kinilabutan. Umiyak ako. Meron palang ganu’ng klase ng anak na hindi lang niya nagustuhan ang sinamahang partido ng Nanay niya, e, aabot na sa ganu’ng kabastusan!”

Ganu’n din ang aming naramdaman. Sa aming opinyon ay hindi lang ang kultura ng pagrespeto sa mga magulang na kinagisnan natin ang sapat na barometro sa ginawa ng anak ng senadora.

Nand’yan ang Bibliya na nagpapatunay na isang kautusan lamang ang may kakambal na pangako para sa mga marespeto at mapagmahal sa magulang. Ang ganu’ng uri ng anak ay magiging maayos ang kapalaran at hahaba ang buhay.

Nagtagumpay si Senadora Loren Legarda sa maraming aspeto ng kanyang mga adhikain para sa ating bayan mula nang pasukin niya ang politika. Kanyang-kanya ang kredito, mabangong bulaklak ‘yon sa kanyang ulo, pero hindi nga lahat ng positibong katangian ay ibibigay sa isang tao lang.

Maraming salamat, dahil hindi namin naging anak si Lorenzo. Maraming salamat, dahil biniyayaan kami ng mga supling na kumakausap sa amin nang personal tungkol sa kanilang mga saloobin.

At maraming-maraming salamat, dahil alam naming hindi kami itatakwil at mumura-murahin ng aming mga anak nang dahil lang sa pagkiling namin sa partidong hindi nila gusto.

Si Lorenzo ay kumakatawan sa napakarami naming biyayang dapat ipagpasalamat sa buhay na ito dahil hindi namin siya kaano-ano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.