Abante Tonite Interactive

Female personality inabuso ng kadugo

609

Malalim pala ang ugat kung bakit ganito na lang katindi ang galit ng pamosong female personality sa kadugo niyang babaeng personalidad.

Nauntog na kasi sa katotohanan ang female persona­lity na hindi nagustuhan ng kanyang kadugo.

“Sobrang generous kasi ng female personality. Hindi siya masaya kapag nalalaman niyang may mga needs ang mga taong mahal niya. Natural, agad na siyang magpapadala ng ayuda.

“Pero nahahalata ng female personality na sumosobra na ang ginagawang panghihingi ng tulong sa kanya ni ____(pangalang ng babaeng personalidad), hindi na tama, wala na sa lugar.

“Unti-unti niyang binawasan ang amount na hinihingi sa kanya ng girl, na dapat lang naman, dahil hindi niya obligasyong buhayin ang pamilya ng girl.

“Du’n na nagsimulang magalit sa female personality ang kanyang kadugo, maramot daw siya, sinasarili lang daw niya ang mga biyayang ine-enjoy niya ngayon!

“Pinalampas na niya nang ilang beses ang panghihingi nang sobra-sobra sa kanya ng girl, pero duma­ting din siya sa point na sawang-sawa na siya, du’n na nagsimula ang gap nilang dalawa,” simulang kuwento ng aming impormante.

Nakapagtataka naman kung bakit kailangang umasa ang girl sa female personality samantalang puwede naman itong kumayod at magpagod para kumita ng sarili niyang pera.

Pagkontra ng aming source, “May katamaran ang girl, nasanay na siya na anytime na kailangan niya ng datung, e, nand’yan lang naman ang female personality na hindi siya kayang tiisin!

“Ang hindi niya alam, e, dumarating din ang tao sa pagkasawa sa kabibigay, lalo na kung mga granatsa lang naman ang pinupuntahan ng tulong na hinihingi niya, di ba?

“Naku, kapag nainis ang female personality, mawiwindang kayong lahat sa mga puwede niyang sabihin tungkol sa girl!” pagtatapos ng aming source.
***

Anak ni Gretchen walang paki sa giyera ng Barretto sisters

Komento ng isang balikbayan naming kaibigan, “Ang gaganda ng Barretto sisters, pero bakit kaya palagi silang nag-aaway-away?”

May punto ang ganu’ng obserbasyon, iisang sinapupunan lang ang kanilang pinagmulan, pero parang hindi sila magkakadugo kung magpasaringan sa publiko.

Tanong uli ng aming kaibigan, “Hindi ba sila nasubaybayan ng parents nila? Bakit naging ganyan ang mga produkto nila? Anong klaseng breeding meron sila?”

May punto na naman, dahil sa ganyang ipinakikita ng magkakapatid ay talagang maitatanong mo sa iyong sarili, nasaan ang mga magulang nila sa gitna ng mga awayang ganito ng kanilang mga anak?

Isa pang tanong, “Bakit ang mga anak ni Marjorie, galit sa mga tatay nila? Bine-brainwash ba niya ang mga anak niya na magalit sa mga nakarelasyon niya?”

Oo nga naman. Ang dapat na nagmamaniobra sa mga anak na hiwalay sa kanilang ama ay ang kanilang ina. Dapat ay inaalagaan ng ina ang pagpapaalala sa kanyang mga anak na anuman ang nangyari sa kanila bilang mga magulang ay labas dapat ang kanilang mga supling sa problema.

Nagalit nu’n si Julia kay Dennis Padilla. Galit din si Dani kay Kier ­Legaspi. Dumating din kaya ang panahon na magalit din ang anak ni Marjorie sa pulitiko nitong ama?

“Saludo ako sa pagpapalaki ni Gretchen kay Dominique. Kahit nag-aaway sila ng mga kapatid niya, e, hindi nakikisali si Dominique. Nagko-communicate pa rin sila ng mga pinsan niya, hindi siya nakikihalo sa gulo ng parents nila.

“Ganu’n dapat. Huwag nang isinasali pa ang mga bata sa kanilang gulo. Walang kasalanan ang mga bata sa hindi nila pinagkakasunduan!” pahayag naman ng kaibigan na­ming propesor.