Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inalat sa pagbabalik

0 176

Talagang inaalat pa ang karera ng isang pamosong female personality. Hindi pa nga panahon para muling mapanood siya sa telebisyon at pelikula.

Nagkaroon pala ng lihim na pakikipag-usap ang babaeng personalidad sa isang grupo para isulong ang kanyang pangarap na makabalik pero wala ring nangyari.

Gustung-gusto na uli niyang pumagitna sa aksiyon pero ewan kung anong kaalatan ang kumapit sa kanyang katawan. May mga nagsasabing kailangan niyang maligo sa pulot para mawala ang mga kanegahang humahadlang sa kanyang career.

Kuwento ng aming source, “Grupo na ang kinausap niya, ha? Hindi isang tao lang. Talagang sabik na siyang makabalik, panay-panay ang pakikipag- usap niya sa grupo.

“Ginawa naman ng mga taong kinausap niya ang lahat. Push kung push ang ginawa ng grupo para sa kanya. Akala ng tropa, e, makalulusot na sila, pero biglang nagkaroon na naman ng problema.

“May humarang, hindi nila kayang kabugin ang humarang sa kanila, kaya wala ring nangyari, sibak ang plano nilang makabalik uli ang female personality,” unang kuwento ng aming impormante.

Wala nang hahanapin pa sa female personality. Magaling siya sa kanyang linya, sobra pa nga sa kailangan lang ang ibinibigay niya, pero nasaan ba kasi ang problema?

Paliwanag ng aming source, “Nakarating na kasi sa network ang mga pinaggagagawa niya nu’ng reynang-reyna pa ang datingan niya. Naging problema siya ng production. Hindi naging maganda ang attitude niya!

“May mga kuwentong nakarating sa istasyon na ayaw niyang magtrabaho kapag wala pa siya sa mood. Kailangang hintayin ng staff and crew ang mood niya para masimulan na nila ang taping.

“Lahat ng mga istoryang ‘yun, e, kumabilang-bakod din, lalo na ngayong marami siyang dating staff na nasa kabilang istasyon na!

“Nagulat na lang ang grupo nang makarating sa kanila ang decision ng network na wala pa silang available slot para sa ipinu-push nilang female personality.

“Kailangan nga muna niyang maligo sa pulot. At kailangang sa olympic size swimming pool siya maligo!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Sharon nagtampo na naman kay KC

Masyadong malalim ang kakambal na insinwasyon ng pinakawalang pahayag ni Sharon Cuneta nang may magpaalala sa kanya sa social media na nasa Amerika rin ang kanyang anak na si KC.

Si Frankie lang kasi ang palaging binabanggit ng Megastar sa kanyang IG na dadalawin niya sa New York. Nilagyan ‘yun ng kulay ng mga mapanuri sa mga sinasabi at ginagawa ng aktres.

Ang ganting pahayag ni Sharon, “Yes, I HEARD! I wonder how she is and what she’s doing!” Ang eksaktong ibig sabihin nu’n ay oo, balita nga niya ay nasa Amerika si KC, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanyang anak at kung ano ang ginagawa ngayon.

Mabigat nga ang maigsing linyang sinabi ng Megastar. Ibig sabihi’y wala silang komunikasyon. Nangangahulugan na wala siyang alam tungkol sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang anak sa Amerika.

At makahulugan din ang kanyang sinabi na kahit maraming taong nagmamahal sa kanya, natural lang na ang balikan niya ng malasakit at pagmamahal ay ang mga nagmamahal at rumerespeto sa kanya, na si Kakie nga.

Hindi na bago ang ganitong senaryo. Madalas namang magkatampuhan ang mag-ina. May karapatang magtampo si Sharon dahil siya pang ina ang pinakahuling nakakaalam ng mga ginagawa ni KC.

Parehas magmahal ang isang ina sa kanyang mga anak. Pero ang anak na nagpapakita ng pagmamahal at respeto ang mas napapalapit sa kalooban ng Nanay.

Anak ang may hawak ng susi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.