Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inamoy ang kinamot na singit

0 594

Humahalakhak ang aming source habang nagkukuwento tungkol sa isang kilalang female personality na mahilig amuyin ang mga parte ng kanyang katawan.

Nakasanayan na ng girl ang ganu’n kahit nasaan siya.

Magkakamot siya ng ulo, pagkatapos niyang magkamot, aamuyin ng female personality ang ipinangkamot niyang kamay.

Magkakamot siya ng kilikili, aamuyin niya agad ang kamay niya pagkatapos, para kunong ipinaglihi sa unggoy sa kanyang nakasanayan ang kilalang aktres.

Humahagalpak na unang kuwento ng aming source, “Palagi siyang binabantayan ng mga katrabaho niya dahil kakaiba nga naman ang girl na ito! Para siyang ipinaglihi sa monkey dahil amoy siya nang amoy ng mga parts ng body niya!”

Napakarami nang nakakapansin sa nakaugalian ng popular na babaeng personalidad, ‘yun ang hudyat kung bakit basta nagkamot siya, nakatutok na agad ang kanyang mga kasamahan sa susunod niyang gagawin.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, nagbabasa siya ng script in between takes, nakaupo lang siya, pero ang mga mata ng lahat, e, sa kanya nakatutok.

“Paano nga, magkakamot siya ng singit niya, pagkatapos niyang magkamot, aamuyin niya na agad ang kamay niya! Kakamutin niya ang kilikili niya, naku, ang bilis ng biyahe ng kamay niya sa ilong niya!

“Kahit binti lang niya ang kamutin ng girl, agad na niyang aamuyin ang kamay niya! Nakakaloka ang nakasanayan niya, huh!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming impormante.

Buti na lang at naiiwasan ‘yun ng female personality kapag nasa harap siya ng mga camera. Mapapansing nagkakamot pa rin naman siya kapag nasa ere na, pero hindi naman niya inaamoy ang kanyang kamay, mabuti naman.

Sabi uli ng aming source, “Nakasanayan na niya ‘yun, mahirap nang tanggalin sa kanya, unless itali ang mga kamay niya! Para siyang isda sa aquarium na sinisipat-sipat ng mga co-stars niya kapag nagkakamot siya.

“Paano kapag magkasama sila ng napangasawa niya, kamot pa rin kaya siya nang kamot, amoy pa rin kaya siya nang amoy ng kamay niya after niyang magkamot?

“I-vlog niya dapat ‘yun, cut to cut, di ba naman? Siguradong milyones ang views niya!” humahagalpak pa ring pagtatapos ng aming source.

-o0o-
Pokwang , Willie muling magsasama sa isang bubong
Isang guesting pa lang ‘yun ni Pokwang sa isang show ng GMA-7 at naging isyu na agad ang nakatakda niyang pagpirma ng kontrata sa network.

Parang apoy na mabilis kumalat ang kuwento, lilipat na raw sa GMA-7 ang magaling na komedyana, abangan na lang daw natin ang mga susunod na pangyayari.

Kung totoo nga na magtatrabaho na sa GMA-7 si Pokwang ay napakagandang balita nu’n. Sa panahon ngayon ng pandemya na halos lahat ng mga personalidad ay nagdarasal na magkaroon sila ng trabaho ay malaking biyaya para kay Pokwang ang maging GMA artist na siya.

Sobrang laking oportunidad ang pagkakaroon ng mother network, ang maalagaan ng isang istasyon sa magagandang proyekto, ipinagpapasalamat talaga ang mga ganu’ng biyaya.

Propesyonal si Pokwang, kahit kailan ay hindi siya nasangkot sa anumang kuwento ng hindi pagmamahal sa kanyang trabaho, hindi siya magiging problema ng GMA-7 kung sakali.

Alam ng kapalaran kung sinu-sino ang mga nagtatrabahong mapagpahalaga sa kanilang talento. Ang mga pabaya ay nawawalan ng oportunidad at ang mga masikap naman at propesyonal ay lalong nagkakaroon ng pagkakataong maipakita sa publiko ang kanilang kapasidad.

Aba, kung pipirma na nga ng kontrata sa GMA-7 si Pokwang ay muli silang magkakasama ng mahal niyang kuyang si Willie Revillame sa isang bubong, paikut-ikot lang talaga ang kapalaran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.