Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inayawan pamilya ng dyowa

0 90

Walang anumang naririnig ang buong bayan mula sa pamilya ng isang kilalang male personality na sangkot ang pangalan sa isang kuwento ng pagmamahalan.

Ang babae lang ang salita nang salita, ang female personality lang ang abalang-abala sa pagsagot sa mga isyung nag-uugnay sa kanila ng male personality, napakatahimik ng kampo ng lalaki.

Kuwento ng aming source, “Hindi tayo makakaasa ng kahit anong salita mula sa pamilya ng guy, hindi sila magsasalita. Mapapagod lang tayo sa kahihintay.

“Una, hindi palasawsaw ang family ng guy, mula’t mula pa, wala na tayong naririnig mula sa kanila, ‘yon ang nature nila talaga,” unang komento ng aming impormante.

Pero ang totoong dahilan kung bakit tahimik lang ang pamilya ay hindi nila gusto ang mga nangyayari ngayon tungkol sa kanilang anak.

Patuloy ng aming source, “Hindi nila gusto ang mga nangyayari, palagi na lang magulo ang pinapasok na scenario ng anak nila, palaging lovelife ang dahilan.

SM food to go Banner Ad

“Lalo na ngayon, heto na naman ang isang girl, hindi pa nga maayos ang nakaraang relasyon niya sa isang female personality, heto na naman ang sakit ng ulo!

“E, ang dami-dami pa namang nakararating na kuwento sa kanila tungkol sa girl, hindi na nga nila malaman kung ano ang totoo at imbento lang, kaya talagang hindi sila magsasalita!” isa pang komento ng aming source.

Panay-panay ang pagdedenay ng magkarelasyon, magkaibigan lang kuno sila, samantalang kung saan-saan naman sila nakikitang pribadong magkasama na nagpapakaligaya.

Sabi uli ng aming impormante, “Magaling sa pagdedenay ang girl, marami na siyang pinasok na kuwentong hindi niya naman inaamin. Natural, nakikibalita rin naman ang family ng guy, kaya alam nila ang mga ginagawa ng girl!

“In short, ayaw nila sa female personality, hindi sila pabor sa girl sa kapamilya nila, ‘yon lang naman ‘yon!” diretsong pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.