Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inggit sa kasambahay

0 141

Katunog ng krimen para sa mga babaeng personalidad ang masabihang mataba sila.

Nagngingitngit ang kanilang kalooban, kung puwede lang nilang sapakin ang nagsabi nu’n ay gagawin na nila, ganu’n katindi para sa kanila ang masabihang hindi sila sexy.

Ano ang agaran nilang tinatakbuhan? Ang pagda-diet. Kailangan na nilang bantayan ang kanilang kinakain, kahit gutom sila ay tiis-ganda lang, para mabawasan ang kanilang timbang.

Nangyari ‘yon sa isang magandang female personality, kaibigan niya mismo ang nagkomento, “Ang ganda-ganda mo pa rin! Walang pagbabago ang itsura mo! Pero mag-diet ka, ang syuba-syuba mo!”

Malapit nang maghuramentado ang female personality kung hindi lang siya nagpigil. Pagdating niya sa kanilang bahay ay humarap agad siya sa salamin.

Kuwento ng aming source, “Inis na inis siya! Napakalaking problema ang bitbit niya, hanggang sa makauwi siya! So, go agad siya sa bedroom, humarap siya sa full-body mirror niya, pinagmasdan ang sarili niya.

“Hindi nagsisinungaling ang salamin, malaki nga ang idinagdag na timbang niya! Nagbakasyon kasi siya sa ibang bansa, lumafang siguro siya du’n nang lumafang! Totoo nga ang sinabi ng friend niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Tumawag ang female personality sa kanyang bestfriend na dati ring mataba pero biglang pumayat. Humingi siya ng payo kung paano siya makapagbabawas ng timbang.

Balik-kuwento ng aming source, “Hindi siya pinayuhan ng kausap niya, mahirap na nga naman, dahil baka ang effective sa kanya, e, hindi naman pala puwede sa female personality!

“Sabi ng friend niya, e, makipagkita muna siya sa isang dietician, ‘yon ang nakakaalam kung ano ang kailangan niyang kainin. Sumunod naman ang girl.

“May ibinigay na diet food sa kanya ang dietician, puwede siyang magpa-deliver, ‘yon ang kakainin niya everyday. Sinunod ‘yon ng female personality.

“Ang masaklap, naaamoy niya ang iniluluto ng kanilang cook, inggit na inggit siya sa kanilang mga kasambahay, lalo na kapag nakikita niyang kumakain nang nakakamay!

SM food to go Banner Ad

“Dusa ang inabot ng babaeng personalidad, madalas uminit ang ulo niya pero wala siyang choice. Gusto niyang pumayat, ayaw na niyang masabihang mataba siya, kaya tiis-ganda siya nang mahabang panahon!

“Kailangan niyang sundin ang payo ng kanyang dietician, baka kasi masabihan siyang di na natuto!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Bea pinintasan ang balat

Nasa gitna pa rin talaga ng aksiyon si Bea Alonzo. Sikat pa rin siya, mainit pa rin siya sa mata ng publiko, nasa gitna pa rin siya ng entablado.

Anumang galaw niya ay pinapansin, kahit ano ang sabihin niya ay kinokontra, kaya ang isahang komento ng kanyang mga tagasuporta ay relevant pa rin ang kanilang idolo.

Sabi ng isa niyang basher, “Kung kailan ka tumanda, saka ka pa nagburles!” Sabi naman ng isa pang mapakla ang panlasa sa aktres, “Laylay na ang balat mo!”

Tinitigan naming mabuti ang mga retratong naglalabasan ni Bea bilang pinakahuling tagapag-endorso ng isang inuming nakalalasing. Hindi siya hubo’t hubad. Nakadamit siya. Ang terminong pagbuburles ay ginagamit lamang sa walang kahit anong saplot sa katawan.

Sinentruhan namin ang kanyang bandang kilikili at braso na sinasabi ng basher na laylay na. Walang balat na nakalaylay. Napakakinis na ay maayos tingnan ang kanyang kabuuan.

Napakagandang modelo ng inuming nakahihilo at nakalalasing si Bea Alonzo. Mapanghalina ang kanyang ganda. Sexy ang aktres sa kanyang sariling paraan.

Nasa gitna pa rin ng giyera si Bea Alonzo. Hinding-hindi totoong laos na siya kaya tinangap ang pag-eendorso ng alak.

Marami pa siyang balang ipuputok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.