Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inggitera

0 146

Ngayon lang nalaman ng aming source kung bakit tinatawag na “Terry” ng kanyang katrabaho ang isang female personality. Matagal na nitong naririnig ang bansag na ‘yun pero ngayon lang nalaman ng impormante kung bakit.

Kasama sa produksiyon ng isang ginawang serye ng female personality ang source, matagal silang nagkasama, kaya hagip ng source kung ano ang nagaganap sa linya ng trabaho.

Kuwento ng aming source, “Naririnig na namin ang tawag sa kanya ng mga co-stars niya. Kahit ang ibang production staff, Terry rin ang tawag sa kanya.

“Kasi, nu’ng one time na pababa na siya ng car niya, e, may nagsabi, ‘O, ayan na si Terry, quiet na kayo!’ E, ‘yung female personality lang naman ang parating, kaya siya ang tinutukoy nu’ng nagsalita!” unang hirit ng aming impormante.

Nu’ng magatagal-tagal pa ay nalaman na ng source kung bakit Terry ang tawag sa female personality ng mga kapwa niya artista.

Patuloy ng aming source, “Di ba, kapag moody ang artista at palaging nakasimangot, ang term na ginagamit, e, Simang? Siya naman, e, si Terry, kinuha pala ‘yun sa kakaibang ugali ng girl!

“May pagkainggitera pala ang female personality, halatang-halata ‘yun ng mga kasamahan niya, kaya Terry ang tawag sa kanya!

“Simple lang ang atake niya, kapag may nakikita siyang bagong magandang stuff ng kasamahan niya, e, itinatanong niya kung saan ‘yun nabili. Saang store, magkano, mga ganu’ng pambubusisi.

“E, hindi naman kalakihan ang talent fee niya nu’n, hindi pa niya kayang bumili agad-agad, mag-iipon pa siya! Pero take note, after a few weeks, meron na rin siya nu’ng kagamitang type na type niya, nakabili na siya!” tawa nang tawang kuwento pa ng aming source.

Pero hindi na siya mahihirapang mag-ipon pa ngayon bago niya mabili ang kahit anong nagugustuhan niyang gamit. Kayang-kaya na niyang bilhin ‘yun agad-agad dahil meron na siyang pambili anumang oras.

Sabi na lang ng aming impormante, “Iba na ang kapalaran niya ngayon, madatung na siya, puwede na niyang bilhin ang kahit anong kapritso niya!

SM food to go Banner Ad

“Hindi man kanya ang datung, e, parang kanya na rin ‘yun, dahil ang pera ng lalaki, e, pera na rin ng babae, gets n’yo? May K na siyang gumastos ngayon!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Raffy maghahain ng kandidatura sa Oktubre 6

Kung mukhang wala nang interes sa pagpasok sa pulitika si Willie Revillame ngayon ay ibang-iba naman ang nakikitang interes ng mas nakararami sa tinaguriang Pambansang Sumbungan Ng Bayan na si Idol Raffy Tulfo.

Walang pagbabago, hindi man nagsasalita ang matapang pero mapusong broadcaster ay basang-basa ng mga nakapaligid sa kanya na wala nang makapipigil pa sa kanya na mas palawakin ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan, tuloy na tuloy ang pagkandidato niyang senador.

Isang kaibigan ang nag-text sa amin, “Sis, ihingi mo naman kami ng campaign t-shirt ni Idol Raffy! Buong pamilya namin, siya ang iboboto!”

Tinanggihan ng pamosong broadcaster ang personal na alok sa kanya ni Senador Manny Pacquiao na maging VP nito kahit pa napakaganda ng pangakong hindi siya maglalabas ng kahit singkong duling sa kampanya.

Naisip din siguro ni Idol Raffy na kung ang kasalukuyang kartada ng Pambansang Kamao ang pagbabasihan ay parang napakalaking krus ang kanyang papasanin kapag nagkataon.

Suicide ang tawag du’n ng kanyang mga tagasuporta, mas mabuting tumakbo na lang siyang senador, pasok na sa banga ang kanyang pangarap.

Balita nami’y October 6 magsusumite ng kanyang COC ang walang inuurungang broadcaster, wala siyang kasamang kahawak-kamay sa pagkandidato, tatakbo siyang indipendente.

Sabi ng aming source, “Maraming partidong kumukuha sa kanya sa line-up, pero ang alam namin, independent siyang tatakbo para malaya siya sa gusto niyang gawing pangangampanya.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.