Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inggitera

0 85

Puro sitsit ang maririnig ngayon ng iba-ibang grupo tungkol sa isang kontrobersiyal na female personality. Ang nakamamangha sa mga kuwentong lumulutang ay mismong mga dati niyang kakampi ang nagpapalabas ng mga istorya.

Ang dami-daming kuwento tungkol sa babaeng personalidad, inggitera siya, mahilig makisawsaw at kung anu-ano pang komento ng kanegahan.

Kuwento ng isang souce, “Pinagtatawanan siya ng isang grupo dahil sa pagiging eksenadora niya. One time kasi, e, may mga grupong nagpa-picture sa anak niya at sa manugang niyang hilaw.

“Nakahanda na ang lahat, ikiklik na lang ng mga kumukuha ng retrato ang mga camera nila, nu’ng biglang nagmamadaling umeksena ang female personality.

“Pumuwesto siya sa gitna, katabi ng magka-loveteam, samantalang hindi naman siya dapat kasali sa picture taking! Ganu’n siya kasawsawera, kailangang kasali siya sa lahat ng action!” patikim na kuwento ng aming impormante.

Idiniin din ng source na matindi ang pagiging Spell I ng female personality, as in pagkainggitera, maraming nakakaalam sa ugaling ‘yun ng babaeng personalidad.

Patuloy ng aming source, “Kapag nakakakita siya ng mga personalities na magaganda ang jewelry, lumalaki na agad ang mga mata niya! Gusto rin kasi niyang magkaroon ng ganu’n! Ask niya na agad ang owner ng alahas kung saan ‘yun nabili or ipinagawa!

“At kapag lumalabas siya ng house, kesehodang may trabaho siya o wala, e, parang walking jewelry box ang lola n’yo! Halos isuot na niya ang lahat ng mga alahas niya, para siyang Christmas tree!

“Hindi niya alam, pero pinagtatawanan siya ng mga katrabaho niya sa ginagawa niyang ganu’n! Para lang makapagyabang siya na marami siyang alahas, isusuot na ang hindi naman magkakaterno!

“Naglalabasan ang mga ganyang kuwento ngayon dahil bina-bash siya kahit ng mga dapat, e, kakampi niya. Ilusyunada kuno ang girl, bukod pa sa pagiging pabibo at Spell I! ‘Yan ang napala niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

SM food to go Banner Ad

Isko ‘bugbog’ sa kayabangan

Napakasakit tanggapin ang nabasa naming negatibong komento tungkol kay Mayor Isko Moreno sa social media. Kumbaga sa sugat ay nagnanaknak ang mga salita.

Ang sabi, “Nahiluran lang ng libag si Mayor Isko Moreno, kaya lumalabas na ang tunay niyang kulay ngayon. Libag lang ang nakapaibabaw sa balat niya. Nu’ng nahiluran na siya, heto na siya ngayon, isang hungyango!”

Pinakakain ngayon ng ampalaya ang aktor-pulitiko, pinagmumumog din siya ng apdo, dahil sa masasakit niyang patutsada laban kay Vice-President Leni Robredo nang magpahayag itong kakandidato sa panguluhan.

Kapansin-pansin sa mga komento na hindi naman si VP Leni ang minamanok ng iba, pero ang kanilang galit ay nakatuon kay Mayor Isko, napakaaga raw niyang nagpakilala ng kung sino siya talaga.

Markado ang kanyang sinabi na huwag daw tayong magpapaniwala sa pagbabago ng kulay. Fake daw si VP Leni. Kulay dilaw nu’ng una pero biglang naging kulay pink, kaya pekeng kulay at pekeng kandidato ang kanyang katunggali sa panguluhan.

Naghamon si Mayor Isko, kaya nagsadya sa halamanan ng politika ang mga nayabangan sa kanya, du’n napatunayan na siya pala ang kumpirmadong political butterfly dahil sa dami ng kampong kanyang sinalihan mula nang pasukin niya ang politika.

Kabisado ng mga kababayan natin ang mga partidong niliparan-dinapuan ng makasaysayang political butterfly. Mula sa kampo ng yumaong si Mayor Alfredo Lim, ay lumundag siya sa kampo ni Mayor Erap. Pagkatapos ay nagsumiksik naman siya sa partido ni Senadora Grace Poe at nu’ng huling halalan ay nasa kampo na siya ni PRRD.

“Sino ngayon ang fake? Siya ba na ang dami-dami nang nilipatang partido o si VP Leni na mula nu’ng 2013, e, nanatili sa Liberal Party! Naririnig mo ba ang sarili mo, Mayor Isko?” panunumbat pa sa kanya ng isang netizen.

Dahan-dahan lang sa pagsasalita. Reaksiyonaryo ang publiko. Ang basurang itinapon mo ay siguradong babalik din sa iyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.