Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality inggitera

0 145

Natumbok ng isang grupong nagtatrabaho sa isang network kung bakit sa dinami-dami ng artista ng istasyon ay bukod-tanging ang isang kilalang female personality lang ang agad-agad nilang pinakawalan.

Walang pagdadalawang-isip na hindi na siya binigyan ng renewal ng kontrata, deadma lang ang lahat sa kanya, may malalim palang dahilan ‘yun ayon sa grupo.

Kuwento ng aming source, “Alam kasi nila ang mga nangyayari sa set, e. Nakikita nila ang mga galawan ng artista. Nagkaroon naman kasi pala talaga ng attitude ang female personality na ‘yun!

“Marami siyang inuusisa, marami siyang tanong, parang siya na ang artista, e, siya pa rin ang EP, kanya na lahat!” natatawang umpisang kuwento ng aming impormante.

Nu’n daw ‘yun, nu’ng kasagsagan ng career ng female personality, nu’ng kaliwa’t kanan ang mga proyektong ginagawa niya sa network.

Patuloy ng aming source, “Masyadong feeling ang girl na ‘yun! Kapag may ibang artistang nabibigyan ng magandang project, agad na siyang nakaangas! Bakit daw binigyan ‘yun ng bibidahing role, ano ang dahilan?

“Meron na agad siyang mga hanash, pintas na siya nang pintas, tinatanong niya ang mga taga-nework kung bakit nabibigyan ng chance na magbida ang mga artistang kapapasok lang sa bakuran nila,” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Nu’ng kumalat na ang kuwento ng kanyang pagiging inggitera ay unti-unti nang tumutumal ang kanyang trabaho. Dumami na rin nang dumami ang mga artista ng kanilang istasyon, mas magaganda at magagaling umarte kesa sa reklamadorang female personality, kaya lalo na siyang nawalan ng career.

Nasabi na lang ng aming impormante, “Sumobra kasi ang believe niya sa sarili niya, nagpadala siya sa mga papuri, umakyat ‘yun sa ulo niya kaya siya nagkaganu’n!

“Ano na ang career niya ngayon? Nasaan na siya? Meron na bang kumuha sa kanya para magkaroon siya ng kontrata? Inuna kasi ang angas, ang paniwala nang sobra-sobra sa sarili niya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Jinkee ayaw patawarin ng mga basher

Humingi na ng paumanhin si Jinkee Pacquiao sa maling watawat ng ating bayan na napindot niya bilang pagbati kay Hidilyn Diaz pero parang hindi pa rin ‘yun sapat para siya patawarin ng mga bashers.

Hindi ‘yun intensiyon, pahayag ng misis ni Pacman, pero sa halip na lumambot ay lalo pang nag-alburuto ang mga bashers at trolls sa kanyang pahayag.

Ano kaya ang kailangang gawin ni Jinkee para mapatawad na ng mga ito ang pagkakamaling hindi niya naman sinadyang mangyari? Hindi puwedeng maligaw si Jinkee sa disenyo ng ating bandila, dahil sa tuwing lumalaban ang Pambansang Kamao ay napapalibutan sila ng watawat ng Pilipinas.

Humahawak pa nga ng Philippine flag si Jinkee, iwinawagayway niya, kaya siguro nga ay nagmatang-manok lang siya nang pindutin ang watawat ng Sint Maarten na teritoryo ng Netherlands.

At ang tanging maibubutas du’n kay Jinkee ay ang hindi niya pag-iingat. Sa kagustuhan niyang mauna sa pagbati sa unang Pilipinong nakakuha ng gintong medalya sa Olimpiyada ay namali siya ng pindot, maling watawat ang nai-post niya, naging isang napakalaking krimen na nu’n para sa mga bashers niya.

Naungkat na tuloy pai ang pagkandidato sa panguluhan ni Senador Manny Pacquiao, paano raw siya magiging First Lady kung ganyan na ni hindi niya alam ang itsura ng ating bandera, tinawag siyang ilusyunada.

Napakahirap maging Jinkee Pacquiao. Lahat na lang ng kanyang sabihin at gawin ay nagkakaroon ng kakaibang interpretasyon at kulay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.