Abante Tonite Interactive

Female personality iniiwas ang dyowa sa ahaserang aktres

483

Matindi pala ang nararamdamang samting ng isang popular na female perso­nality sa kontrobersiyal na pamosong female persona­lity ngayon.

Kapag nasa isang lugar pala sila ng kanyang boyfriend at nandu’n din ang kontrobersiyal na aktres ay bantay-sarado talaga siya. Mahirap na raw kasing maagawan siya ng partner.

Abante Hiring – IT dep

Kuwento ng isang source, “E, kasi naman, madalas sabihin nu’n ng young female personality na ‘yun na ang grea­test love kuno niya, e, ang boyfriend nu’ng female personality!

“Natural, alarmado ang girl, kaya hindi siya makapapayag na magkaroon ng chance ang babaeng ‘yun na makalapit sa boyfriend niya! Talagang para siyang doberman sa pagbabantay ng love niya kapag nandu’n din ang kontrobersiyal na young actress!” tawa nang tawang sabi ng aming impormante.

Nakapagtataka lang na meron namang boyfriend ang young actress, masaya raw naman sila, pero bakit gusto pa rin nitong manghimasok sa relasyon ng may relasyon?

Kuwento naman ng isa pang source, “E, hindi ba, siya rin ang third wheel sa break-up ng isang magandang young actress at ng boyfriend niyang singer-actor?

“Denay pa nang denay ‘yung male personality, pero nu’ng bandang huli, e, umamin din siya na talagang nagpi-flirt sa kanya ‘yung young actress?

“Kaya kinatatakutan na siya ngayon ng mga kasamahan niyang artista, binabantayan na nila ang mga boyfriend nila, dahil baka nga naman, ‘di ba?” kuwento ng source.

Pero may bawi naman ang unang source tungkol sa ikinatatakot ng female personality na baka magi­sing na lang siya na nagetlak na pala ng controversial young actress ang boyfriend niya.

Sabi ng unang source, “Wala siyang dapat ikatakot, hindi type ng boyfriend niya ang young actress. Wala siyang interest sa girl, sa totoo lang, lalo na ngayon?

“Naku, walang-wala! No way, highway, kahit pa magpakita siya ng kung anumang interest sa guy! Walang dapat ipangamba ang female personality, umindak na lang siya nang umindak, wala siyang dapat ikanerbiyos na baka maagawan siya!” pagtatapos ng unang source.

Julia nilubog ng matinding galit

Nasa Amerika pa lang pala ang tropa ng ASAP Natin ‘To ay nagsabi na si Julia Barretto na maglalabas siya ng kanyang official statement tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya.

Naka­ra­ting ‘yun sa ilang eheku­tibo ng network, sinabihan ng mga ito si Julia na huwag na, tutal naman ay wala nang nanggagaling na mga komento mula kay Bea Alonzo.

“Pero matigas ang ulo ni Julia, sumige pa rin siya, nag-post siya sa IG niya ng mga sama niya ng loob kay Bea,” komento ng isang source.

Totoong nakawiwindang ang laman ng post ni Julia, kahit paano’y nakapaglabas siya ng kanyang emosyon, na karapatan din niya naman bilang isang babaeng inuupakan nang todo-todo sa social media.

Kaya lang, napakahalaga ng resulta sa anumang hakbang na ating ginagawa, hindi nakabalanse si Julia sa kontrobersiya at siya pa mismo ang parang naglubog sa kanya sa matinding galit ng mga netizens lalo na ng kanyang mga bashers.

Una, never siyang binanggit ni Bea Alonzo sa mga hinanakit na ipinost nito, si Gerald lang ang kanyang pinuntirya pero bakit siya ang umaray nang todo?

Ikalawa, walang anu­mang sinabi si Bea na siya ang babaeng pinagdududahan nitong ipinalit sa kanya ni Gerald nang walang closure ang kanilang relasyon, kaya bakit sumigaw nang napakalakas si Julia?

Sabi nga ni prop, “Hindi siguro alam ni Julia ang kasabihan na kung sino ang pumiyok, siya ang umutot! Hindi niya alam ‘yun, kasi nga, sosyal siya, ‘di ba?”