Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality iniwan ng rich dyowa

0 118

Pinagpipistahan ng mga beki ang kakaiba nang itsura ngayon ng isang kilalang female personality. Wala na raw kasing alaala ng nakaraan ang kasalukuyan niyang itsura ngayon.

Ibang-iba na siya, parang ibang tao na ang female personality kapag nakakaharap ng kanyang mga kaibigan, hindi na siya ‘yon.

Kuwento ng aming source, “Sobra na siyang nagbababad sa clinic ng paborito niyang doktor para magpabago ng mukha! Meron pa bang original sa face niya? Parang wala na!

“Baka nga kapag nananalamin siya, e, hinahanap na rin niya ang sarili niya, e! Ibang mukha na kasi ang nakikita niya sa salamin!” unang rebelasyon ng aming impormante.

Nagsimula kuno ang pagkahilig sa operasyon ng female personality nu’ng karelasyon pa niya ang isang rich businessman. Sobra-sobra ang rasyon niya ng datung kaya ang nakahiligan niya ay ang pagpapabago ng kanyang itsura.

Patuloy ng aming source, “Kapag nga naman nakahiga ka na sa salapi, kumpleto ang lahat ng kailangan mo, e, ano pa ang maiisip mong pagkakagastusan?

“Ayun, pagpaapopera ng face at katawan niya ang naging hobby ng girl! Paggaling ng isang part ng face niyang operada, isusunod niya naman ang isa pa, hanggang sa nagbago na talaga ang itsura niya!

“Kuwento nga ng mga friends niya, e, halos du’n na nakatira sa clinic ang girl! Wala siyang ibang pinupuntahan, operating room lang!

“Ganu’n lang ang daily routine niya, operating room-bahay, wala nang iba!” madiin pang reaksiyon ng aming source.

Pero tumigil na pala ngayon ang female personality sa pagpapaopera, tapos na kasi ang relasyon nila ng rich businessman, ang itsura kaya niya ang dahilan ng hiwalayan?

Sabi uli ng aming source, “Behaved na siya sa house ngayon, hindi na siya nagpupunta sa clinic ng favourite doctor niya, iniwan na kasi siya ng rich boyfriend niya!

“Wala na siyang gagastusin sa mga kaartehan niya, wala na siyang pagkukunan ng budget na hindi naman barya-barya lang, kaya nananahimik na siya ngayon!

SM food to go Banner Ad

“Nakakainis nga naman, may mga plano pa naman siyang ipagawa para makumpleto na ang mga kaartehan niya, pero wala na si papa! Kainis!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Willie ‘kulong’, make-up artist positibo sa virus

Ikaapat na araw nang puro taped episodes ng Wowowin-Tutok To Win ang ipinalalabas! Mula nu’ng Lunes ay hinahanap si Willie Revillame ng kanyang mga tagasuporta.

Iniisip na lang ng marami na siguro’y nagpaalam siya sa GMA-7 para makapagpahinga pagkatapos ng New Year dahil sobra-sobrang pagod ang inabot niya nitong mga huling linggo.

Personal siyang bumiyahe papunta sa mga probinsiyang sinalanta ng bagyo, nagbigay siya ng tulong sa mga lugar na kung ilarawan ng marami ay parang binomba sa sobrang pagkasira ng mga bahay, nangasira rin ang mga puno dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Tanong ng kaibigan naming propesor, “Nag-positive ba si Willie? Hindi siya mawawala sa show niya kung maayos ang sitwasyon niya! Si Willie pa?”

Na totoo naman. Kahit nga pagapang ay gagawin ng TV host makapag-show lang siya. Ganu’n siya kasipag at ganu’n din niya kamahal ang kanyang trabaho.

Ang totoo ay matindi ang ginagawang pag-iingat ni Willie hindi lang para sa kanyang sarili kundi pati sa kanyang mga katrabaho at mga mahal sa buhay.

Mula nu’ng Linggo ay naka-quarantine na siya, damay siya sa contact tracing dahil nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang make-up artist na si Berns, umaasa si Willie na sa darating na Lunes ay live nang mapapanood ang kanyang programa.

Pitong araw ang kanyang quarantine, si Berns naman ay labing-apat na araw, hindi isusugal ni Willie ang nag-iisa niyang buhay.

“Kailangan talaga nating mag-ingat dahil napakataas ng numero ngayon. Triple ang itinaas, kaya tripleng ingat din ang kailangan nating gawin.

“Hopefully, sa darating na Monday, e, makakapag-live na kami. Hindi ako sanay nang walang ginagawa, pero ito ang sitwasyon na dapat gawin para sa kaligtasan nating lahat,” pahayag ni Willie Revillame.

Leave A Reply

Your email address will not be published.