Abante Tonite Interactive

Female personality iritada sa pakialamerang ina

574

tonite-no-thanks-cristy-ferminNakakaalarma ang madalas na pagpansin ng mas nakararami tungkol sa ma­laking ipinagbago ng itsura ng isang kilalang female personality.

Hindi siya nagparetoke, dati nang nagpaayos ng isang bahagi ng kanyang face ang female personality, ang kalungkutang nakikita sa kanyang mga mata ng manonood ang napapansin sa kanya.

May tatlong katanungan ang aming source kung bakit tumatamlay ang itsura ngayon ng female personality. Heto ang kanyang mga ispekulasyon.­

“Una, totoo kayang nagkakaroon sila ng problema ngayon ng husband niya? Hindi ‘yun maiaalis, puwedeng totoo ‘yun, dahil lapitin ng girls ang mister niya.

“Ikalawa, palagi kayang napupuyat sa pag-aa­laga ng kanyang baby ang female personality? Kinukuha kaya niya sa yaya ang bagets tuwing gabi para siya mismo ang mag-alaga sa bata?

“Ikatlo, masyado na kayang naiinis ang female personality dahil sa sobrang pakikialam ng mommy niya sa relasyon nila ng kanyang mister?

“Totoo kaya ang minsang sinabi ng girl sa kanyang mga friends na akala niya, nu’ng makapag-asawa na siya, e, hindi na siya pakikialaman pa ng mommy niya sa pagdedesisyon, pero hindi pa rin pala!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Maraming nakakapansin na kahit nakakuntodo make-up na ang female personality ay halatang-halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi nakapagsisinungaling ang mga mata, du’n nakikita kung masaya ba o malungkot ang tao, pansin na pansin ng marami ang pagbagsak ng katawan at emosyon ng female personality.

Pahabol pa ng aming source, “Hindi naman siya dating ganyan, buhay na buhay ang mga mata niya nu’n! Magaling siya sa comedy, pero tingnan n’yo, kahit nagpapatawa pa siya ngayon, e, malungkot pa rin ang mga mata niya!
***

Angelica mala-Kris ang emote sa mga ex

Ilang hibla na lang, ayon sa aming mga nakakausap, ay magka-level na sa pakikipagrelasyon sina Angelica Panganiban at Kris Aquino.

Hindi kagandahan ang pagkukumpara sa dala­wang personalidad, pero may dahilan ang mga pumapansin, konting-konti na lang daw talaga at Kris Aquino, Jr. na si Angelica.

Sabi ng isang kakuwentuhan namin, “Ano ba naman si Angelica, idol ba niya sa pakikipagrelasyon si Kris Aquino? Aba, ilang paligo na lang at magka-level na sila!

“Si Kris, walang isinalba sa mga exes niya! Lahat talaga, binulabog niya at sinumbatan sa magkakaibang reasons! Parang ganu’n na rin si Angelica ngayon.

“Mula kay Derek Ramsay, kay John Lloyd Cruz at Carlo Aquino, itinitinda niya sa publiko ang emotion niya. Hindi maganda. Sino pa ang manliligaw sa kanya kapag ganyan na ibi­nabando niya sa publiko ang mga nakakarelasyon niya?

“May nanliligaw ba kay Kris? Matagal na siyang walang boyfriend, pero meron na bang sumunod? Kasi nga, natatakot ang mga lalaki na baka ma-Joey Marquez, ma-Phillip Salvador at ma-James Yap sila!

“Naku, walang lalaking gustong makatikim ng negang publicity, iiwasan talaga nila ang mga babaeng ganu’n, gaano man nila kagusto ang girl, kung ganu’ng kapalaran naman ang naghihintay sa kanila, e, hindi nila gugustuhin!” mahabang reaksiyon ng aming kausap.

Bata pa si Angelica, marami pa siyang makikilala at makakaengkuwentrong lalaking puwedeng magmahal sa kanya, kaya iwasan na sana niya ang pagbubukas ng kanyang kalooban sa publiko.

Mas walang sinasabi ang babae ay mas maganda, hawak niya ang misteryo at kapribaduhan, walang nasasabi kontra sa kanya ang kahit sino.