Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality kabado sa ex ng dyowa

0 93

Walang forever sa pakikipagrelasyon. Wala ring forever sa pakikipagkaibigan. Nagugulat na lang tayo sa mga pagririgodon ng mga nagmamahalan, ng mga personalidad na dating napakaganda ng samahan, pero biglang nag-aaway.

Matatag na ang pundasyon ng relasyon ng isang showbiz couple. Komento ng malalapit sa kanila ay wala nang makasisira sa kanilang relasyon na bumibilang na rin nang ilang taon.

Komento ng aming source, “Kasal na nga lang ang kulang sa kanila, di ba? Kung gugustuhin lang nila, e, puwedeng-puwede na silang magbuo ng pamilya.

“Nasa edad na silang pareho, nakapag-ipon na rin sila, kaya kung gusto lang nila talaga, e, puwede na silang magpakasal. Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, may problema pa ba?” unang komento ng aming impormante.

Pero sabi nga, ang lalaki ay lalaki, mapusok, madaling makalimot, ‘yun kaya ang dahilan kung bakit nag-aalala ngayon ang popular na female personality na matagal nang karelasyon ng isang lalaking personalidad.

Balik-kuwento ng aming source, “Sa pagkakaalam namin, e, napakalaki ng tiwala ng girl sa boyfriend niya. E, sa tagal na ba naman nilang magkarelasyon, natural, nabuo na ang trust ng girl sa BF niya.

“Pero paano kung biglang isang araw, e, magkakasama pala sa trabaho ang female personality na ex ng boyfriend niya? Paano na?

“Hindi ba naman maaapektuhan ang girl kapag ganu’n? Natural, understanding man ang babae, kapag may nakaraan ang boyfriend niya at ng babaeng palaging kasama, e, mag-iisip din siya ng kakaiba! Paano kung magkabiglaan nga naman ang dalawa?

“Naku, huwag na huwag gagawin ‘yun ng guy, sobra-sobra siyang ipinaglaban ng girlfriend niya, sa totoo lang! Nakakaawa naman ang female personality kapag niloko siya ng boyfriend niya!

“Kapag nangyari ‘yun, e, magmimistulang manyikang basahan ang girl sa sobrang lungkot at sakit ng dibdib!” konklusyon pa ng aming source.

Pahabol pa ng aming source, “Ang relasyon, e, hindi idinadaan sa jack en poy!”

Karla sinigawan na makapal ang mukha

Pinaliliguan ngayon nang masasakit na salita ang tinaguriang Queen Mother na si Karla Estrada. At ang pinakamasakit pa, ang mga bumibira ngayon sa kanya sa social media ay mismong mga kakampi niya, ang mga tagahanga ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ni Kathryn Bernardo.

Nag-file ng COC si Karla bilang nominee ng isang Party List. Markado ang grupong sinalihan niya, isa ‘yun sa mga humarang para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, kaya ang tawag ngayon ng mga kontra kay Karla ay La Traydora Ingrata.

Tuntunin natin kung saan nanggagaling ang mga galit na galit ngayon kay Karla. ABS-CBN ang nagbigay ng suwero sa naghihingalong buhay nilang mag-iina.

Pinasikat at binigyan nang todong suporta ng network ang kanyang anak na si Daniel. At tanggapin natin ang katotohanan na nang sumikat na ang anak niya ay nabahaginan siya ng suwerte, naging host siya ng isang programa, at ang mga kasunod pang milagrong ibinigay sa kanila ng ABS-CBN ay isang kasaysayan na ngayon.

“Karla, ang kapal ng mukha mo!” sigaw ng mga tagasuporta ng ABS-CBN. Pinagbibitiw rin siya ng mga KathNiel supporters dahil napakalinaw na kawalan ng loyalty sa istasyon ang ginawa niya.

Dagdagan pa natin. Napakakapal ng mukha ni Karla Estrada! Mas makapal pa sa sangkalan ang pagmumukha ng babaeng ito na maagang inapuntahan ng dementia para lang sa pangsarili niyang interes.

Hindi na ‘yun bago, si Karla ang tinatawag nu’n na kalabit-penge ng mga nakasaksi sa kanyang pakikipaglapit sa mayayaman. Pero nang sumikat na si Daniel at nagkaroon na rin siya ng magandang oportunidad ay ni hindi man lang niya maalala at makamusta.

Gusto raw niyang magkaroon ng boses ang mga Kapamilya sa Kongreso, sabi pa ng tabatsinang ina ni Daniel, boses? Bakit? Paano?

May nagpaalala pa kay Karla Estrada sa social media, “Aanhin mo ang mansiyon kung malaki naman ang iyong puson at wala kang loyalty?”

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.