Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality kalat ang kamalditahan

0 177

Dalawang beses na naging saksi ang aming source sa kalat na kalat nang kamalditahan ng isang female personality. Sa dalawang magkaibang lugar ‘yun sa ibang bansa.

Kasagsagan ‘yun ng popularidad ng loveteam nila ng isang tisoy na male personality, malakas ang kanilang hatak, mabenta sila sa mga shows sa iba-ibang bansa.

Sa unang bansang nilandingan ng grupong magso-show ay nagparamdam na agad ng kamalditahan ang babaeng personalidad. Nakasimangot na siya agad. Nagsakit-sakitan na ng ulo.

Kuwento ng aming source, “Ang friend ko ang nakasama nila sa biyahe, okey naman ang lahat ng mga personalities, maliban sa hitad na female personality na ‘yun na kung umasta, e, akala mo naman super-sikat na siya!

“Pagbaba nila ng plane, e, meron na agad siyang reklamo. Masakit daw ang ulo niya dahil sa biyahe. Gusto na raw niyang dumiretso sa hotel para makapagpahinga na siya!” unang kuwento ng aming impormante.

Tinakasan ng girl ang interview ng mga reporters na sumalubong sa grupo, biglang sumakit ang kanyang ulo, kaya para matapos na ang kaartehan niya ay sinamahan na siya sa hotel ng isang production staff.

“Nakakalokah! Masakit daw ang ulo niya, pero namasyal pa siya sa hotel compound na malapit lang sa dagat! Nag-pictorial pa siya, nag-pose nang nag-pose sa garden, ‘yun ba ang sumasakit ang ulo? Pasaway talaga ang babaeng ‘yun!” napapailing pang kuwento ng aming source.

Sa ikalawang bansa na pinuntahan ng grupo (concert tour ‘yun) ay inaasahan na ng lahat ng gagawa uli ng eksena ang female personality, pero nabigo sila, napakasaya niya habang iniinterbyu sa airport.

Patuloy ng aming source, “Pero nagulat ang tropa, ayaw niyang bumaba sa unang sponsor na pinuntahan nila kung saan sila magla-lunch! Masakit daw ang tiyan niya!

“Sumakit ang ulo niya, sumasakit daw naman ang tiyan niya, kaya nagpadala na lang siya ng food sa van. Du’n na lang siya kumain. Ano naman kaya ang susunod na sasakit sa kanya, ang pe–ek niya?

“Hindi raw kuwento-kuwento lang ang kalokohan ng female personality, true-to-life daw ‘yun, kaya pati ang boyfriend-loveteam niya, e, naiinis na rin sa kanya! Lukring ang girl!” naiinis pa ring pagtatapos ng aming impormante.

Claudine ginulat ang manager sa kandidatura

Huwag na nating tanungin kung totoo bang matagal na panahong nanirahan sa Subic si Claudine Barretto. Huwag na rin tayong magulantang kung bakit bigla niyang naisip na tumakbong konsehal sa Olongapo City.

Mas magandang tutukan kung seryoso ba si Claudine sa pagpasok niya sa pulitika? Tatapusin kaya niya ang una at huling yugto ng kampanya?

Pabagu-bago kasi ang desisyon ni Claudine, kilala siya sa pagiging fickle-minded, baka hindi pa ngangalahati ang kampanya ay malaman na lang natin na kumalas na pala siya sa partido.

Sana nga ay panindigan ni Claudine ang pinasok niyang bagong mundo. Nangangampanya lang siya nu’n sa mga kaibigan niyang tumatakbo, pero ngayon ay siya na mismo ang aamot ng boto ng kanyang mga nasasakupan, harinawang huwag nang magbago pa ang kanyang isip.

Ang talent manager na si Arnold Vigafria ang kanilang ulo, nakagugulat din ang desisyon nitong kumandidatong mayor, siguradong kinausap namang mabuti ng manager ang kanyang alaga sa kanilang pagkandidato.

Disiplina lang naman ang kulang kay Claudine Barretto, kung kapasidad ang pag-uusapan ay kaya niya namang paniwalain sa husay niyang magsalita ang mga botente, depende na lang talaga sa kaseryosohan niyang maglingkod ang magiging kapalaran niya sa pulitika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.