Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality kampi sa magnanakaw

0 262

May kani-kanyang minamanok sa darating na halalan ang mga artista. Hindi man sila lantarang nagsasalita ay halatado naman ang kanilang posisyon kung sino ang iboboto nila sa eleksiyon.

At nagkakaroon na rin sila ng mga parinigan ngayon, bato-bato sa langit, ang tamaan ay siguradong mabubukulan.

Kuwento ng aming source, “May isang TV personality na nag-post na may isang female personality kuno na panay-panay ang pagpo-post ng mga Bible verses, pero ang kinakampihan namang politiko, e, magnanakaw!

“May ganu’ng parinigan! Meron namang isang male personality na patagilid na pinatatamaan ang mga personalities na kumakampi sa isang politikong malabiga ang dila!

“At may isang female personality rin na napagbintangang nag-tweet ng paninira sa isang presidentiable, pero nag-deny siya agad-agad! Hindi raw siya ang nag-tweet, fake news daw ‘yun!

“Kasi naman, pinaparatangan sa fake news ang isang kumakandidatong pangulo na maraming nanakaw ang pamilya, pero dugyot naman!

“Nanindigan ang female personality na hindi sa kanya galing ang tweet na ‘yun, it’s a fake! Hindi raw niya katono ang fake post! Hindi raw siya ganu’n!” mahabang simula ng aming impormante.

Pero may mga dating kaibigan ang isang male politician na ngayon ay kontrang-kontra na sa kanya. Lantaran nang inuupakan ng magkakaibigan ang dati nilang kasanggang politiko.

Balik-chika ng aming source, “Kasi nga, e, biglang nagbago ng pakikitungo sa kanila ang politician. Ni hindi na siya sumasagot sa pangungumusta ng mga friends niya.

“E, ang mga taong ‘yun ang nakasama niya sa hirap, ang mga dinededma na niyang mga tao ngayon ang naging loyal sa kanya nu’ng walang-wala pa siya! Ngayong busog na busog na ang bulsa niya, e, bigla na silang kinalimutan ng male politician!

“Mag-uubos lang kuno ng datung ang politikong ‘yun dahil siguradong hindi niya naman maaabot ang napakatayog niyang pangarap! Babalik kuno sa dati ang buhay ng mag-anak na enjoy na enjoy ngayon sa kanilang kadatungan!” napapailing pang pagtatapos ng aming impormante.

Toni palpak ang grammar kay Charo

SM food to go Banner Ad

Tuwing Sabado at Linggo ay nagkakaroon kami ng pagkakataong makapagbabad sa Netflix. Pagkatapos naming tumutok sa tatlong pelikula ay lumilipat naman kami sa You Tube.

Sa mga personalidad na may YouTube Channel ay una naming tinututukan ang kay Ogie Diaz, masarap manood ng vlog ni Ogie, may komedya na ay marami ka pang aral na mapupulot sa kanyang mga iniinterbyu.

Pinanonood din namin si Toni Gonzaga, matiyagang mag-research ang aktres-TV host, alam niya kung ano ang kanyang pinapasok na trabaho.

Kailangan lang kausapin ni Toni ang kanyang grupo, lalo na ang gumagawa ng exact translation ng mga sinasabi ng kanyang guest, napakaraming mali-maling salita na hindi umaayon sa sinasabi ng kanyang guest.

Kailangang pag-ingatan ng team ni Toni Gonzaga ang grammar, syntax at iba pang aspeto dahil sa kanya mismo bilang host magbo-boomerang ‘yun.

Sa kanyang panayam kay Ms. Charo Santos-Concio ay nagsusumigaw ang mga salitang “did not pursued,” “did not challenged” at pati ang mismong pangalan niya ay mali dahil Tony ang mababasa.

Kapag ganu’ng hindi nag-iingat ang kanyang mga kasama sa team ay nakababawas ‘yun sa content ng kanyang vlog na maganda pa naman ang daloy.

Pero bagito pa lang sa pagba-vlog ang Star For All Seasons, dalawang buhos pa lang ang bagong mundong pinasok ni Congresswoman Vilma Santos, ay napakahusay na niyang maglatag ng kanyang vlog.

Mahusay siyang magsalita, interesante ang kanyang mga kuwento, kahit pa nu’ng una ay ginugulo siya ni Luis. Host talaga si Ate Vi, tuluy-tuloy siyang magsalita nang walang bakel-bakel, bukod pa sa may mga paningit siyang kuwentong kinaaaliwan ng kanyang mga followers.

Sa una ay ang mga tinanggap niyang parangal bilang aktres, sa ikalawa naman ay isinama niya tayo sa kanyang pag-aagahan hanggang sa hapunan, pati sa kanyang ginagawang pag-e-exercise.

Buhay na buhay ang vlog ni Ate Vi, ibinibiyahe niya ang kanyang mga tagapanood sa nakaraan, sa kasalukuyan at siguradong sa mga susunod niya pang vlog ay nakahanda na ang kanyang mga pasabog.

Congratulations!

Leave A Reply

Your email address will not be published.