Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality keber na pulutan

0 144

Pakukot-kukot lang pala ng butong-pakwan ang isang kontrobersiyal na female personality habang patuloy siyang bina-bash. Wala siyang pakialam, cool na cool lang siya, ‘yun pala ang dahilan kung bakit tahimik ang kanyang buhay.

Ang maraming personalidad ay sumasagot sa mga bashing, nakikipag-away pa nga, pero ang babaeng personalidad na ito ay chillax na chillax lang habang ginagawa siyang pulutan sa social media.

Kuwento ng aiming source na malapit sa pamilya ng female personality, “Narinig n’yo na ba siyang nagsalita tungkol sa mga intriga sa buhay niya? Nakisawsaw na ba siya sa kahit anong isyu?

“Mapapagod lang ang mga bashers at trolls kung ang hinihintay nila, e, ang pansinin sila ng girl! Never siyang magsasalita, hindi siya dedepensa, ‘yun ang naturalesa niya!” madiing unang sabi ng aming impormante.

Marami palang pinagkakaabalahan ang female personality, du’n niya ginugugol ang kanyang panahon, hindi sa pagbabasa ng mga upak at bira sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Makapamilya kasi ang female personality. Malaki ang pamilya nila. Mas gusto niyang nakakasama ang mga pinsan niya, sila-sila lang ang magkakasama, kaya wala siyang pakialam sa mga bashers.

“At siya mismo ang nagpapayo sa mga kamag-anak niya na huwag sasagutin ang mga bashers, pagsasayang lang daw ‘yun ng panahon, na sinusunod naman ng mga kamag-anak niya.

“Parang tama ang ginagawa niya. Wala siyang pakialam sa mga naninira sa kanya na hindi niya naman kilala. Hanggang sa mapagod na lang ang mga bashers, hanggang sa mangawit sila sa katitira, ganu’n lang ang ginagawa niya.

“Tahimik na ang buhay niya, e, masaya pa siya! Tahimik lang talaga ang girl, wala siyang panahon sa mga controversy.
Ginagawa lang niya ang gusto niya na makapagpapasaya sa kanya.

“Siya raw ang third party sa hiwalayan ng magkarelasyong artista? Siya raw ang bagong girlfriend nu’ng male personality? Naku, ma at pa lang ‘yun para sa girl, wala siyang pakialam!

“Ganu’n lang siya ka-cool, wapakels siya sa mga bashers at trolls, panalo ang pangdededma niya!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Lovi pinaiyak ni Grace

Sa pagwewelkam ng ABS-CBN kay Lovi Poe bilang pinakabago nilang kapamilya ay kapansin-pansin na tatlong beses niyang pinasalamatan si Senadora Grace Poe.

At palaging may “of course” ang pagbabalik niya ng pasasalamat sa kapatid niyang senadora, iyak nang iyak ang aktres habang pinanonood-pinakikinggan ang mensahe sa kanya ni Senadora Grace, luha ‘yun ng kaligayahan.

Ang sabi ng senadora ay siguradong masaya ang pumanaw nilang ama sa bagong tatahaking landas ni Lovi. Sa puntong ‘yun ay hindi na malaman ni Lovi ang gagawin sa kaiiyak.

Malalim ang pagmamahalan nina Senadora Grace at Lovi kahit pa wala namang dugong nag-uugnay sa kanila. Anak siya ng Action King pero si Senadora Grace ang habambuhay na nakasama ng Hari Ng Aksiyon.

Itinuturing siyang tunay na kapatid ng kanyang ate, nang pumanaw nga si FPJ ay nakikita ng publiko kung paanong niyayakap ng senadora si Lovi palapit sa kabaong ng kanilang ama, napakasarap makita ang ganu’ng pagtuturingan ng mga taong hindi naman direktang magkadugo.

Maayos ang paglipat ni Lovi sa ABS-CBN. Walang mga alingasngas, walang nanumbat sa aktres ng kawalan ng utang na loob, samantalang labing-limang taon siyang naging Kapuso.

Matindi rin naman kasi ang pasasalamat ni Lovi Poe sa GMA-7. Ang network ang unang nagtiwala sa kanya, nag-alaga at nagpaangat ng kanyang talento at pangalan.

Ang respeto ay binabalikan din ng respeto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.