Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality keri gamutin ang topak ng dyowa

0 92

Maling-mali ang kuwentong naghiwalay ang isang pamosong male personality at ang popular niyang girlfriend. Maraming nagpatotoo na walang katotohanan ‘yon dahil matibay pa rin ang kanilang relasyon.

Pero may mga impormanteng naglalabas ng kuwento na napapadalas ang hindi nila pagkakasundo ngayon. Kaunting bagay lang diumano ay umiinit na agad ang ulo ng male personality.

Kuwento ng aming source, “Dati na namang may mood swings ang guy, mahirap ding hulihin ang mood niya, kaya madalas siyang napagkakamalang suplado.

“Hindi siya suplado, marunong siyang makisama, kaya nga marami siyang kaibigan. Kaya lang, may time na wala talaga siya sa mood, kitang-kita ‘yon sa itsura niya, hindi niya naitatago,” unang sultada ng aming source.

Ipinapalagay ng mga taong malapit sa magkarelasyon na ang sobrang kapaguran ang dahilan ng sumpong ng male personality. Kapos na kapos daw kasi ito sa tulog at pahinga.

“Kahit naman siguro sinong kulang sa tulog, e, ganu’n ang mararamdaman. Napakahalaga ng tulog sa gabi. Kahit matulog pa siya nang maghapon, e, iba pa rin ang tulog sa gabi.

SM food to go Banner Ad

“’Yon ang sabi ng mga close sa kanya, talagang nawawala sa huwisyo ang male personality kapag kapos sa tulog at pahinga. Hindi siya palakibo, tahimik lang siya sa isang sulok, wala siyang kinakausap kundi ang girlfriend lang niya,” rebelasyon pa ng aming impormante.

Pero maagap pala ang kanyang girlfriend kapag wala sa mood ang male personality. Siya ang gumagamot, siya ang umaaliw sa kanyang boyfriend, alam na alam na ng female personality kung ano ang dapat niyang gawin.

Patuloy ng aming source, “Sa tagal na nila bilang magkarelasyon, e, kabisado na ng girl ang boyfriend niya. Sa tingin pa lang, alam na ng girl kung ano ang mood ng guy.

“Nililibang niya ang boyfriend niya, kinukuwentuhan ng kung anu-anong alam niyang makapagpapasaya sa guy, hangggang sa umayos na ang mood niya. Ang girl lang pala ang puwedeng gumawa nu’n dahil kapag wala sa huwisyo ang guy, e, wala siyang gustong kausapin!

“Hindi sila nag-break, hindi nila sasayangin ang napakatagal na nilang relasyon, tatagal ba naman sila nang ganyan kung hindi nila tanggap ang mga ugali nila?

“Pero kailangan ng guy ang girlfriend niya, matutok ang babae, hindi kakayanin ng guy na mawala sa kanya ang girlfriend niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.