Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality kinalasan ang dyowang tamad

0 186

Maraming humahanga sa magandang paninindigan ng isang kilalang female personality na pinahalagahan ang kanyang kinabukasan kesa sa personal niyang interes.

Sa biglang tingin ay parang okey-okey lang sa kanya ang pakikipagrelasyon, parang nagpapatianod lang siya sa gusto ng kanyang boyfriend, pero hindi pala.

Kuwento ng aming source, “Naku, hinding-hindi siya ganu’n! Parang ganu’n lang siya sa biglang tingin, pero kabaligtaran siya nu’n!

“Mahal niya ang sarili niya, marami siyang pangarap, kapag nararamdaman niyang walang mangyayari sa buhay niya, ume-exit na siya agad!” unang paglalarawan ng aming impormante tungkol sa magandnag babaeng personalidad.

Malaki ang pagpapahalaga ng female personality sa kanyang kinabukasan, marami siyang aral na natutuhan sa nakaraan, mismong mga magulang niya ang nagmulat sa kanyang positibong pananaw.

Patuloy ng aming source, “Naging magkarelasyon sila ng isang kilalang male personality, nagtagal din naman sila, pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila.

“Ang girl ang kumalas sa guy, talagang pinanindigan niya ang pakikipaghiwalay, ramdam niya kasi na walang mangyayari sa buhay niya kung sakaling magkatuluyan sila.

“Mabigat ang katawan ng lalaki, in short, may katamaran. Mag-uusap sila sa phone, nasa higaan pa ang guy, samantalang marami nang nagagawa ang girl. Tirik na ang araw, malapit na ang lunch, nakahiga pa rin ang male personality!

“Lagi nilang pinagtatalunan ang disiplina, tinuturuan ng girl ang lalaki na maaga pa lang dapat, e, may nagagawa na siya, pero waley! Tamad talaga ang guy!” madiing kuwento ng aming source.

Hindi ‘yun ang buhay na gusto ng female personality, disiplinado at masipag na karelasyon ang hanap niya, kaya one day isang araw ay kinalasan na niya ang lalaki.

Pagtatapos ng aming source, “Ano nga naman ang magiging future nila kung sakali? Walang mangyayari, mabigat ang katawan ng guy, walang win-win solution sa ganu’ng katamaran!”

Rayver diskaril ang proposal kay Janine

Kuyog ang angkan ng mga Cruz. Saktan mo ang isa sa kanila at siguradong aangat ang buo nilang pamilya. Ganu’n katindi ang suporta nila sa bawat isa.

Nakakalungkot ang kuwento ng isang kaibigan naming malapit sa pamilya ni Rayver Cruz na ang lahat pala ng pagsisikap ng aktor ay bilang paghahanda na sa kinabukasan nila ni Janine Gutierrez.

“Kasama si Janine sa mga pangarap ni Rayver, hindi para lang sa kanya ang preparasyong ginagawa niya, para na ‘yun sa kanila ni Janine,” kuwento ng aming source.

At naghihintay lang pala ng tamang pagkakataon si Rayver para mag-propose na kay Janine. Ganu’n kaseryoso ang actor-dancer-TV host sa kanilang relasyon.

Pero biglang nakipag-break si Janine, hindi pansamantalang hiwalayan lang ang naganap, kakulangan ng panahon para sa kanilang relasyon ang lumutang na dahilan.

Si Janine ang nakipaghiwalay. Dapat ding balansehin ang naging desisyon ng aktres. Hindi naman siguro nito isasakripisyo ang relasyon nila ni Rayver nang walang katanggap-tanggap na dahilan.

Nakakapanghinayang lang ang apat na taong pareho nilang iningatan. Papunta na pala sa proposal ng aktor kay Janine ang susunod na senaryo pero nadiskaril pa.

Isinasangkot sa kanilang hiwalayan sina Paulo Avelino at Julie Ann San Jose, maraming kuwentong umiikot ngayon tungkol sa panliligaw ni Paulo sa dalaga, pero wala pang kumpirmasyon ang pag-uugnay sa dalawa.

Abangan na lang natin kung kailan magsasalita sina Rayver at Janine. Malapit na rin siguro ang araw ng rebelasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.