Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘kinulam’

0 132

Tunay namang nakakabahala ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang pamosong female personality na “ipinatatrabaho” ng kung sinuman.

Ayon sa aming source ay ilang beses nang sinuri ng magagaling na manggagamot ang kasalukuyang kundisyon ng babaeng personalidad pero isa lang ang lumalabas na dahilan—may nagpapatrabaho sa kanya.

Kapag sinabing may nagpapatrabaho o tumatrabaho sa isang tao, ang ibig sabihin nu’n ay may nagpapagawa sa kanya ng kakaiba, du’n na pumapasok ang isyu ng kulam.

Maraming hindi naniniwala sa kulam, kung paanong marami ring naniniwala, at sa kundisyon ng female personality ay mas maraming naniniwala na may nagpapagawa nga sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Iba-iba ang inilalagay sa katawan ng taong kinukulam. May mga ipis na isinusuka ang ginagamot. Kung minsan naman, sumusuka ‘yon ng kahoy at kung anu-ano pang mga kulisap.

“Du’n sa girl, ang sinasabi ng mga albularyo, e, tinamnan siya ng tingga ng bala sa katawan niya. Nasa katawan daw niya ang tingga ng bala ngayon,” sabi ng aming kausap.

Mahihirapan na raw pagalingin ng albularyo ngayon ang kundisyon ng female personality dahil pinakialaman na ng siyensiya.

SM food to go Banner Ad

Patuloy ng aming kausap, “Sumailalim na kasi siya sa mga doktor. Kapag ganu’n pala, mahirap nang pagalingin. Dapat pala, nu’ng umpisa pa lang, e, sa albularyo na siya nagpatingin.

“May nararamdaman pa lang siyang kakaiba, nagsisimula pa lang ang sakit niya, e, nagpunta na siya sa mahusay na albularyo. Pero maraming doktor na ang pinuntahan niya.

“Kung anu-ano nang tests ang pinagdaanan niya, kontra pala ‘yon sa panggagamot ng mga albularyo. Pero kahit ang mga doktor, mahihirapan na rin siyang pagalingin dahil kakaiba nga ang ugat ng sakit niya,” dagdag na impormasyon pa ng aming kausap.

Sinabi rin ng aming source na ang madalas na dahilan ng pagpapagawa ng witchcraft laban sa isang tao ay galit, inggit at selos.

Hindi nito tinukoy kung alin sa tatlong dahilan ang pinakaugat ng pagpapatrabaho sa female personality pero siguradong isa sa tatlong dahilan na ibinigay ng albularyo.

May mga siguradong magtataas ng kilay tungkol sa senaryong iyo. 2022 na, sasabihin nila, meron pa bang maniniwala sa kulam?

Leave A Reply

Your email address will not be published.