Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality kumakain ng oras

0 194

Nu’n palang kasagsagan ng popularidad ng isang female personality ay palaging alarmado ang host ng mga programang pinupuntahan niya para sa promo ng kanyang pelikula.

Kapag siya ang naka-line-up bilang guest ay isa lang ang sasabihin ng tagapamahala ng produksiyon, bantayan ang kanyang mga sinasabi, kailangang putulin ang kanyang pagsasalita kapag masyado nang paikut-ikot ang kanyang mga litanya.

Pag-alala ng isang source na saksi sa kuwentong ito, “Mahirap kasi siyang guest, kinakain niya ang oras, ang dami-dami niyang kuwento na kadalasan, e, wala namang connection sa tanong sa kanya.

“Hindi siya marunong sumagot nang direct to the point. Marami muna siyang ikinukuwentong kung anik-anik. So, tumatagal ang interview sa kanya,” unang kuwento ng aming source.

Hindi siya puwedeng mag-live, kaya kadalasan, taped ang interview sa female personality, kilometriko man ang mga kuwento niya ay nagagamot sa editing.

Patuloy ng aming impormante, “Kailangang ganu’n ang gawin ng production dahil sobrang daldal niya sa interview. Kinakain niya na talaga ang kabuuang oras ng show kapag nagla-live guesting siya!

“’Yun ang hindi niya maiwasan talaga, daldal siya nang daldal, parang sa kanya ang buong show! Kailangang nakahanda ang host para putulin ang mga sinasabi niya,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Nagtatawanan ang mga miyembro ng production dahil kung gaano kabagal kumilos ang kilalang female personality ay bawing-bawi naman ‘yun pag ini-interview na siya.

Isa pang hirit ng aming source, “Nakakapagtaka nga kung bakit siya ganu’n! Palagi siyang cause of delay sa mga ginagawa niyang projects dahil late siya palaging dumarating.

“Mabagal kasi siyang kumilos, wala siyang disiplina sa oras, pero kapag ini-interview naman siya, e, grabe ang pagkuda niya! Nakakaloka talaga siya!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming impormante.
-o0o-

SM food to go Banner Ad

Mahirap bumangon sa kalamidad-Willie

Sumentro ang mga balita nu’ng pananalanta ng bagyong Ulysses sa Kabikulan, probinsya ng Rizal, partikular na sa Marikina. Pero napag-iwanan ang iba pang lugar na sobra-sobra ring winasak ng kalamidad.

Kahindik-hindik din ang ginawa ng bagyo sa Cagayan, sa Isabela, sa Mt. Province at mga kalapit pang probinsiya.
Nagmistulang dagat ang Cagayan, meron pang mga nakuryente, hindi napagtuunan ng mga balita ang kaawa-awang probinsiya.

Ikinalungkot ni Willie Revillame ang mga huli niyang napanood na footage ng pananalanta ni Ulysses sa Cagayan at Isabela. Ganu’n daw pala kalawak ang winasak ng kalamidad.

Nag-fastbreak siya ng isang mamahalin niyang sasakyan, ang pinagbentahan nang mabilisan ng kanyang Range Rover na pitong milyon ay dinagdagan pa niya, pinaghati niya ang Marikina at Montalban sa sampung milyong piso.

Pero sa pinakahuli naming kuwentuhan ng mapusong TV host ay sinabi niya, “Grabe pala ang nangyari nu’ng bagyo. Matindi rin pala ang nangyari sa Cagayan at Isabela, may mga landslide din pala sa Mt. Province!

“Akala ko, e, pinakamatindi na ang pinuntahan ko at nakita sa Catanduanes, pero hindi pa pala. May mga nangamatay pala sa Cagayan. Grabe rin pala ang nangyari sa Isabela. Nalulungkot ako talaga, parang hindi ko ma-imagine ang kalagayan nila du’n ngayon,” sinserong kuwento ni Willie.

Napakaganda ng kanyang sinabi na minarkahan ng ating mga kababayan sa kanyang programang “Tutok To Win.” Aanhin nga naman niya ang mga sasakyan niyang milyones ang halaga na halos hindi niya naman nagagamit?

Nakagarahe lang sa isang palapag ng kanyang Wil Tower ang mga sasakyan na bihirang-bihira na lang niyang namamaneho dahil may dalawang chopper na siyang ginagamit ngayon sa pagbiyahe.

“Masarap sa pakiramdam ko na napapakinabangan ng mga kababayan nating sinalanta ng bagyo ang pinagbentahan ng sasakyan. Napakahirap bumangon mula sa kalamidad,” sabi ni Willie Revillame.

Leave A Reply

Your email address will not be published.