Abante Tonite Interactive

Female personality laging mainit ang ulo sa pang-iiwan ng karelasyon

By
2,860

May payo ang mga impormanteng magkakasama isang gabi sa isang kilalang female personality na hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nakalalabas sa sakit at kalungkutang inabot niya sa pang-iiwan sa kanya ng karelasyon niyang male personality.

Madalas sabihin ng babaeng personalidad na nakapag-move on na siya, na hindi na siya nabubuhay sa nakaraan, pero pakiramdam ng mga taong malapit sa kanya na hindi pa rin.

Kuwento ng isang source, “Panay-panay pa rin kasi ang pagpo-post niya ng patama sa karelasyon na nga­yon ng ex niya. Ang palagi niyang palusot, e, wala naman siyang pinatatamaan, pero naman!

Abante Hiring – IT dep

“Ultimo mga grade school pupils, e, marunong nang mag-read between the lines ngayon. Wala nang makapagtatago ng emotion, sapul agad siya sa mga sinasabi niya.

“Saka palaging mainitin ang ulo niya, madali siyang mairita, halatadong hindi pa rin siya nakalalabas sa sakit na naranasan niya. Instead na ganyan ang mga ginagawa niya, e, magpaka-positive na lang sana siya,” makabuluhang punto ng source sa umpukan.

Nagiging dahilan tuloy ‘yun ng pagdadalawang-isip ng mga kalalakihang nagkakainteres sa kanya para maging karelasyon. May takot ang mga ito na baka kapag naghiwalay sila ay ganyan din ang kauuwian.

“Sayang, maganda pa naman siyang humawak ng relasyon. Talagang one-man-woman siya. Wala siyang pakialam sa ibang tao, may focus siya sa boyfriend lang niya.

“Kaya siya matinding masaktan, e, masakripisyo rin kasi siya. Lahat, e, ginagawa niya para sa lalaki, mahilig siya sa mga sorpresa, matagal din siyang makipagrelasyon.

“Sana lang, e, tapusin na niya ang kuwento ng past niya, ang ganda-ganda niya, marami pang magkakagusto sa kanya. Maraming isda sa dagat, marami siyang pagpipilian, kaya huwag niyang hayaang pahintuin ng aktor na nang-iwan sa kanya ang mundo niya,” payo pa ng isang katrabaho ng magandang aktres.

Oo nga naman. Para hindi manganib ang maganda pang bukas na naghihintay sa kanya.
***

Alden di nang-iiwan sa laban

Kung papasukin namin ang pagma-manage ng mga artista na hindi namin ginawa sa buong buhay namin bilang kolumnista ay pipili kami ng isang personalidad na katulad ni Alden Richards.

Masarap alagaan at tulungan ang Pambansang Bae dahil marunong siyang magpahalaga at tumanaw ng sinserong utang na loob. Hindi siya mapaghugas ng kamay, hinding-hindi siya nang-iiwan sa gitna ng laban, maraming naiinggit sa kanyang manager na si Carlites de Guzman na gustong ibaon sa putik ng mga walang magawa pero hindi naman nagtagumpay.

Nilinaw niya agad ang sitwasyon, inalagaan niya ang imahe ng kanyang manager, hindi niya ito pinabayaang malugmok nang dahil lang sa mga bintang at akusasyon na wala namang basihan.

Kung hindi agad nagsalita si Alden ay puwedeng nagkaroon ng negatibong persepsiyon ang publiko tungkol kay Carlites. Hindi ‘yun binigyan ng espasyo ng aktor, siya ang pumagitna para linawin ang isyu, absuwelto agad si Carlites kumbaga sa labanan sa korte.

Sabi ng isang hindi na gaanong aktibong mana­ger sa amin, “Napakasarap rumespeto at magpahalaga ni Alden Richards. Pareho silang masuwerte ni Carlites sa isa’t isa. Magandang talaga ang puso ng batang ‘yun.

“Ayoko nang mag-manage, nasaktan na ako, mga walang utang na loob at mukhang pera ang natagpuan ko. Babalik lang ako uli sa pagma-manage kapag nakakita ako ng tulad ni Alden Richards.

“Mabait, matanaw ng utang na loob, hindi ka iiwan sa laban,” papuri sa Pambansang Bae ng kaibigan naming manager.
Oong-oong-oo naman!