Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality laos na sa mga bugaw

0 85

Totoong-totoo nga na ang pisikal na anyo ay kumukupas. Ang kagandahan, ang kurbada ng katawan, pagkalipas nang maraming taon ay nagbabago na.

Ganu’n mismo ang nangyari sa isang kilalang female personality na alagang-alaga ang kanyang kagandahan nu’n at kung kaseksihan naman ang itatanong ay bulag lang ang magsasabing may mali sa kanyang body.

Pero makalipas ang maraming taon ay nagbago na ang kanyang face at body. Tumaba na siya, kahit anino ng kanyang ganda ay halos mahirap nang masilip ngayon, lalo na ang dati niyang kaseksihan.

Kuwento ng aming source, “’Yong kaseksihan niyang ‘yon ang unang-unang pambenta niya sa kanyang sideline nu’n! Super-sexy naman kasi siya, panalo pa ang mga nagmumura niyang boobey!

“Kumikita siya bilang aktres, pero mas malaki siyang kumita sa sideline niya na panandalian lang, pero daang libo na ang take home pay niya!” unang sulatada ng aming impormante.

Maraming nakachurvahan ang babaeng personalidad na ito sa iba-ibang linya. May mga negosyante, may nakauniporme, may mga sikat na pesonalidad.

Patuloy ng aming source, “Grabe siyang kumita nu’n! Kulang ang nag-iisa niyang katawan sa dami ng tumatawag sa Boogie Wonderland niya! Busy talaga siya, wala siyang pinalalampas, hanggang kaya pa ng katawan niya, go lang siya nang go!

“Kaya naman super-yaman siya nu’n! Napakarami niyang branded stuff, puro designer bags ang ginagamit niya. Kabog na kabog niya ang mga artistang nagpapakapagod sa maghapon at nagpupuyat sa magdamag para lang kumita at maisalba sa kahirapan ang mga pamilya nila!

“E, ang girl na ito, konting halinghing lang, daang libo na agad ang TF niya! Wala siyang kahirap-hirap, sa totoo lang!” pag-alala pa ng aming impormante.

Pero mahihirapan na siyang balikan ‘yon ngayon. Nagbago na ang face niya, lumobo na dahil nadagdagan ang timbang niya, hindi na rin masasabing sexy ang female personality dahil masyuba na nga siya.

“Wala na siyang magiging sideline ngayon, ang laki-laki na niya, sangkatutak ang sexy ngayon na natural, gustung-gusto ng mga naghahanap ng panandaliang happiness!

“Kahit magbagsak pa siya ng presyo, wala nang tatawag sa mga Boogie Wonderland para sa kanya, luging-lugi na siya ngayon! Waley na talaga, todo na ito, wala na!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.