Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality lihim ang ayuda sa nanalong tandem

0 263

Tahimik lang ang isang kilalang female personality, parang hindi siya naramdaman ng publiko nu’ng nakaraang kampanya, pero matindi pala ang ibinigay niyang ayuda sa isang tambalan ng mga politikong nanalo.

Mula umpisa hanggang sa kadulu-duluhan ng kampanya ay hindi pala tumigil sa pagsuporta sa tambalan ang aktres, hindi siya ang gumagalaw, pero sa kanya nanggagaling ang lahat ng tulong sa partido.

Kuwento ng aming source. “Ganu’n ang tutulong, walang kaingay-ingay! Ganu’n ang susuporta, tahimik, hindi sumisipsip sa mga kandidato!

“Ang female personality na ito, walang paramdam, pero napakalaki ng tulong na ibinibigay niya sa tambalan, grabe talaga!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Kailangan ng sasakyang panghimpapawid? Dumarating ‘yon. Kailangan ng mga bus na sasakyan ng mga tagasuporta? Ilan ang kailangan lang ang sagot ng female personality.

Sabi uli ng aming source, “Meron bang naramdaman ang mga kababayan natin? Waley! Hindi naman kasi siya nagpapakita, sa kanya galing ang kailangan ng partido, pero hindi siya umeepal!

SM food to go Banner Ad

“Walang kaepal-epal ang girl, napakatahimik lang niya, pero lahat ng kailangan ng partidong pinili niya, walang hiningi sa kanya na hindi niya ibinigay!” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Isa lang ang komento ng iilan lang na nakakaalam ng suporta niya sa nanalong partido, sigurado na ang kanyang kinabukasan, siguradong mas yayabong pa ang kanyang mga negosyo dahil sa pamumuhunan niya.

Patuloy ng aming source, “Hindi lang ang mga nanalong politiko ang tinulungan niya, marami pang ibang politicians na binigyan niya ng ayuda. Ginawa niya ‘yon nang napakatahimik.

“At masuwerte ang girl, lahat ng tinayaan niya nu’ng election, nanalong lahat! Marunong siyang kumilatis, alam niya kung sino talaga ang mananalo, magaling siyang makiramdam.

“’Yon ang advantage ng pagtulong na walang ingay, hindi na siya na-bash, tagumpay pa ang mga inayudahan niya! Naku, magugulantang na lang kayo isang araw kapag nakita n’yo na siyang rubbing elbows sa matataas na politiko ng ating bayan!

“Magaling talaga siyang tumaya, alam niya kung sino ang mananalo sa laban, kumbaga sa sabong, alam niya kung anong manok ang tatayaan niya!” nakangiting pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.