Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality luha ang kaulayaw

0 353

Pinakamagaling talagang doktor sa anumang uri ng hidwaan ang panahon. Nagkakasundo ang mga nag-aaway sa takdang panahon.

Tulad na lang ng isang popular na female personality at ng kanyang karelasyon na dati’y palaging bumibida sa mga kuwento ng hindi pagkakasundo na nauwi sa hiwalayan.

Kuwento ng aming source, “Sino ang mag-aakala na after a few years, magiging magkaibigan pa rin pala sila? At kahit ‘yung girlfriend ng guy, kaibigan din ngayon ng female personality?” bungad na kuwento ng aming source.

Kapag dumarating sa set ng pinagbibidahan niyang serye ang babaeng personalidad ay palaging namumugto ang kanyang mga mata. Problemado siya, iyak nang iyak, dahil sinaktan daw siya ng partner niya.

Balik-kuwento ng aming impormante, “‘Yun ang time na napakagulo ng relasyon nila. Ang girl, ikinukuwento niya sa mga co-stars niya ang ginagawang pananakit sa kanya ng mister niya.

“May mga pasa-pasa siya sa katawan, lalo na sa mga braso niya, kaya palagi siyang naka-jacket. Kapag take na, nilalagyan na lang ng concealer ang mga braso niya para hindi makita ang mga pasa niya.

“Palaging ganu’n ang sitwasyon, puro luha ang kaulayaw ng girl, dahil sa ginagawa kuno sa kanya ng guy,” paliwanag ng aming source.

Pero sino nga ba ang mag-aakala na paglipas nang ilang taon ay magkakasundo pala sila? Nagkaroon na sila ng kani-kanyang karelasyon, may anak na ang lalaki sa isang female personality, ang aktres naman ay naging karelasyon ng isang kilalang aktor-pulitiko pero nauwi ‘yun sa hiwalayan.

Paliwanag ng source, “Ginamot ng panahon ang problema nu’ng dating mag-asawa. Walang namagitan sa kanila, naramdaman na lang nila isang araw na kailangan nilang magkasundo, kahit para man lang sa nag-iisang anak nila.

“Ayun! Magkakasama pa silang nagbabakasyon ngayon ng family ng ex niya. Magkasundo ang dalawang babae, okey rin kasi ang karelasyon ngayon ng guy, mahusay makisama.

SM food to go Banner Ad

“Walang boyfriend ngayon ang girl, pero marami siyang suitors, ayaw lang muna niyang pumasok uli sa relasyong seryosohan,” pagtatapos ng aming impormante.

John ‘di mababayaran ang utang na loob kina Nadia,Chuckie

Ni singkong duling, ayon kay John Regala, ay wala siyang nahawakan mula sa mga donasyon sa kanyang pagpapaospital na pinagtutulungan hingin ng mga taong tumulong sa kanya mula sa mga kaibigan at kasamahang artista.

‘Yun ang deklarasyon ng action star sa pinakahuling panayam sa kanya ni Raffy Tulfo, hindi raw niya alam kung nasaan ang perang sinasabi nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfuss at Tita Aster Amoyo, dahil hindi niya naman ‘yun nakita-nahawakan.

Sa opisyal na pahayag ng mga taong kusang-loob na tumulong kay John Regala ay nandu’n ang kanilang pahayag na nakalista ang mga pangalan ng mga tumulong kay John pati ang halagang ibinigay sa kanya.

Bumaklas na ang tatlo dahil hindi na raw nila makayanan ang pagiging matigas ng ulo ng aktor, hindi pa raw siya puwedeng lumabas sa ospital dahil may pagdadaanan pa siyang proseso ng gamutan, pero nagpilit ang aktor na umuwi na dahil naiinip siya.

Ngayon ay nababaligtad na ang kuwento. Hinahanap na ni John ang mga tulong na ipinadala sa kanya ng mga artistang nagmamalasakit, hindi rin daw niya alam ang pagbubukas ng bank account niya, dahil wala namang sinasabi sa kanya sina Nadia, Chuckie at Tita Aster.

Walang makapagbibigay-linaw sa isyung ito kundi ang pagbibigay ng kopya ng mga taong tumulong kay John kung saan napunta ang perang nakalap nila.

Kailangang maging malinaw ‘yun para hindi ganyan na tamang-duda sa kanila si John Regala. Parang lumalabas kasi na pinagkakitaan nila ang maysakit na aktor.

Pero may isang katotohanang hindi mababayaran kailanman ni John Regala, ang utang na loob sa pagtulong sa kanya nina Nadia, Tita Aster at Chuckie, walang katumbas na halaga ang pagtanaw ng utang na loob.

Leave A Reply

Your email address will not be published.