Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality mabaho ang hininga

0 615

Siguradong alam na ng isang kilalang female personality na palagi siyang pinagkukuwentuhan nang pabulong ng kanyang mga katrabahong artista.

Alam na rin siyempre niya na kapag wala siya ay malakas na ang kuwentuhan, pinagpipistahan ang kanyang hininga, na kung ilarawan ng marami ay parang patay na daga ang amoy.

Kuwento ng aming source, “Naku naman, kahit naman siguro paano, e, alam na niya na pinagkukuwentuhan sa set ang bad breath niya! Hindi lang naman kasi isa, dalawa o tatlong katrabaho niya ang sumusuko sa amoy ng hininga niya!”

Matagal na ang kuwentong ito, kahit ang isang reporter na nag-interbyu sa kanya ay nagulantang sa natuklasan nito, masuka-suka ang manunulat pagkatapos ng panayam.

Sabi ng nag-interbyu sa magaling na aktres, “Ang akala ko, e, may patay na daga sa paligid habang ini-interview ko siya. Pero malinis naman ang lugar, kahit anino ng patay na daga, e, wala!

“Nu’ng paalis na ako, e, nag-thank you siya sa akin, sabay beso. Naku, amoy na amoy ko ang hininga niya, ‘yun pala ang amoy patay na daga!” sabi ng reporter.

Kuwento uli ng aming impormante, “Meron silang eksena nu’n ng isang guwapong aktor, kailangang yakapin niya ang male personality na nakahiga sa hospital bed. Iyak siya nang iyak sa eksena, ayaw niyang mamatay ang anak niya.

“Natural, magkalapit ang mga mukha nila sa eksena, di ba? Natural, sulasok na sulasok ang male personality sa amoy ng hininga ng girl, di ba? Pagkatapos ng take, e, kinausap agad nu’ng male personality ang direktor nila.

“Nakiusap siya na kung meron mang mga anggulong kailangan pang kunan, e, huwag na. Sinabi ng male personality ang dahilan kay direk. Naloka ang direktor, kaya wala nang take two ang eksenang ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming source.

Nu’ng medyo bata-bata pa ang kilalang female personality ay hindi naman pala ganu’n ang amoy ng hininga niya. Nagsimula lang ‘yun nu’ng inom na siya nang inom ng mga diet pills para hindi siya tumaba.

Balik-chika ng aming soruce, “’Yun nga ang reason, ang kaiinom niya ng diet pills. Malaking factor ‘yun sa pagkakaroon niya ng bad breath.

Related Posts

“Ang ganda pa naman niya, saka ang galing-galing niyang umarte, sa totoo lang! Pero mahirap pala siyang makaeksena!” pagtatapos ng aming impormante.

Kris tutuldukan ang mga manlilinlang

Kailangang maging mabusisi ngayon ang mga kababayan nating babad ang panahon sa panonood ng mga vlogs, kailangan nilang maging matalim sa pagpili ng kanilang tututukan, napakaraming fake news ngayon.

Malalaking artista ang isinasangkot sa mga fake news, nakapang-iimbita ng atensiyon, meron pang mga video at kumpleto sa scoring ‘yun pero peke!

Ibang lebel na ang labanan ngayon, para lang dumugin ang kanilang vlog at kumita sila ay nakukunsensiya nilang magbuo ng mga kuwentong wala namang katotohanan.

Magaling sila sa editing, tinatapyas-tapyas nila ang mga video at saka pagdudugtung-dugtungin, meron na silang ihahaing pambentang materyales.

Unang biktima si Bimby, pinalabas sa fake news na nagdadalantao ngayon si Miles Ocampo, ang bunsong anak ni Kris Aquino raw ang ama ng sanggol.

Parang ilang araw lang ‘yun pagkatapos paglaruan at pagpistahan ang pagiging becki ng binatilyo, pero pagkatapos lang nang ilang maghapon at magdamag ay iba na ang kuwento, nakabuntis na si Bimby!

Kailangan nang aksiyunan ang mga ganitong kalokohan sa social media, marami pang mabibiktima ang mga naglalabas ng fake news, dapat nang matuldukan ang kanilang mga ginagawang panglilinlang sa publiko.

Ito ang dapat sentruhan ni Kris Aquino, dapat niyang bigyan ng leksiyon ang gumagamit sa kanyang mga anak sa matinding kalokohan, bigyan na niya ng tuldok ang mga pinaplano pang gawin ng mga taong namumuhunan sa malalaking artista at personalidad para lang sila kumita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.