Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality madatung na dyowa ang hanap

0 155

Baguhan pa lang ang isang female personality ay palagi na niyang sinasabi na ang isa sa mga pangarap niya ay ang yumaman. Gusto niyang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Mula siya sa isang malayong probinsiya, siya ang sinasabing pinakamagandang mukha sa kanilang lugar, na napakinabangan niya naman nang mag-artista siya.

Kuwento ng aming source na matagal na nakasama sa trabaho ng magandang female personality, “Sa mga kuwento niya, e, malalaman mo talaga na ang dream niya, e, maging super-yaman. Palagi niyang sinasabi ‘yun!

“Mapupunta ang mga kuwento niya sa maraming bagay pero ang ending pa rin, e, ang pangarap niyang yumaman,” unang kuwento ng aming impormante.

Maraming nagtangkang manligaw sa female personality pero sa simula pa lang ay sumusuko na agad. Wala kasing interes sa kanila ang babaeng personalidad na ang unang hinahanap sa lalaki ay kung mayaman ba ito o hindi.

Patuloy ng aming source, “Pansinin n’yo, hindi siya nali-link sa mga kapwa niya artista. Alam niya kasi na pare-pareho lang silang struggling. Ang nagiging boyfriend niya, e, non-showbiz.

“Businessman, mayaman, marami siyang nakaka-date na ganu’n. Kasi nga, paano niya matutupad ang dream niyang yumaman kung artista rin ang makakarelasyon niya? Mautak ang babaeng ‘yun!” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Mayayaman ang nakakarelasyon ng female personality, pero sa hiwalayan din ‘yun nauuwi, siya lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit.

“May nakarelasyon naman siyang artista, lumalim din ang relasyon nila, kaya lang, napansin ng girl na teka lang muna, siya ang parang sinasandalan nu’ng lalaki.

“Paano nga naman siya yayaman kung siya pa ang inaasahan ng guy? Mula nu’n, hindi na siya nakipagrelasyon pa sa artista, mga negosyante na ang pinipili niya.

“Sosyal ang girl, sinusundo at ihinahatid siya sa trabaho ng mga sasakyang pangmilyonaryo lang! Panalo ang lifestyle niya, bonggang-bongga!

SM food to go Banner Ad

“Bagay na bagay talaga sa kanya ang name niya, sa totoo lang, kanyang-kanya lang ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Derek hinilot si Ellen sa sitcom

Magkaibigan sina Derek Ramsay at John Estrada. Matagal na silang palaging magkasama kapag maluwag ang kanilang oras sa trabaho. Golf ang isa sa mga dibersiyon nila.

Lumabas ang kuwentong hindi na si Ellen Adarma ang makakapareha ni John sa kanilang sitcom sa TV5, iba-ibang kuwento ang umiikot tungkol kay Ellen, unang-una na ang pagiging pasaway ng girlfriend ni Derek.

Pero sa ikalawang season pa lang ng sitcom, sa pagkakaalam namin, ay talagang hindi na sana babalikan pa ni Ellen ang kanyang trabaho. Ayaw na niyang mag-taping.

Sabi ng aming source, “Ayaw lumabas ng bahay ni Ellen, natatakot siya sa virus, ayaw na niyang mag-report sa trabaho.”

Ayon sa aming impormante ay nag-usap sina John at Derek, sinabi ni John sa kanyang kaibigan na nakakaawa naman ang kanilang mga katrabahong mawawalan ng hanapbuhay, kaya pakiusapan sana ni Derek si Ellen na pumayag na para sa second season ng sitcom.

“Ganu’n nga ang nangyari, si Derek ang nakiusap kay Ellen na gawin ang season 2. Pero kung si Ellen lang ang magde-decide, ayaw na niya talagang balikan pa ang sitcom, ayaw na niyang mag-taping,” sabi pa ng aming kausap.

Siguro nga ay nagkaroon na ng tensiyon sa grupo mula pa nu’ng ikalawang season ng John & Ellen, nagpapakita na ng disgusto si Ellen sa linya ng pagtatrabaho, kaya lumulutang ngayon ang istoryang pasaway siya.

Hindi na bago ang paglalarawan kay Ellen Adarna bilang pasaway, pero ayon sa aming source ay iba ang pagpapairal niya ng katigasan ng ulo ngayon, para ‘yun sa kanyang kaligtasan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.