Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality magbebenta ng bahay

0 1,312

Matindi ang nararamdamang depresyon ngayon ng isang female personality dahil sa hindi kagandahang naganap sa bakurang pinagseserbisyuhan niya.

Dahil naging sunud-sunod ang kanyang mga proyekto nu’ng mga nakararaang panahon ay lakas-loob siyang kumuha ng mga hulugang propyedad.

Kuwento ng aming source, “Isa ang female personality na ‘yun sa talagang tinamaan nang husto! Napakaproblemado niya ngayon dahil marami siyang bayarin buwan-buwan.

“Ang akala niya kasi, e, magiging tuluy-tuloy na ang trabaho niya, maganda kasi ang talent fee niya, may sobra pa siya sa buwanang paycheck niya sa station.

Kaso, may matindi ngang nangyari, paano na ngayon ang mga hinuhulugan niya? Sayang naman kung pababayaan niya na lang ‘yun, dahil ilang taon na rin siyang naghuhulog!” nag-aalalang umpisa ng aming source.

Nagpaplano ngayon ang female personality na ibenta na lang ang kanyang bahay para magpatuloy silang mabuhay nang maayos ng kanyang pamilya, pero napakahirap nga namang magbenta ngayon, dahil sa pandemya.

Patuloy ng aming source, “Kung mautak lang sana ang babaeng ‘yun, hindi niya aabutin ang ganyan. Maraming nagkakagusto sa kanya, madadatung na D.O.M. pero hindi siya bumigay.

“Marami siyang nakakarelasyon, pero mahal niya ang mga ‘yun, matagal na niyang sinasabi na hinding-hindi siya papatol sa mga lalaking kulay violet na ang mga kuko!

“Maraming nagtangkang magtanong na Boogie Wonderland sa kanya kung okey lang sa kanya ang pakikipag-date sa mayayamang lalaki, pero isa lang ang palagi niyang sagot, hindi!

Related Posts

“Kung ginawa niya ‘yun, e, siguradong wala na siyang pinoproblema ngayon, hindi na niya iisipin kung paano niya mababayaran ang mga ipinundar niyang properties na hulugan!

“May paninindigan ang girl, hindi siya nagmana sa dapat niyang pagmanahang hindi iba sa kanya!” pagtatapos ng aming impormante.

Vivian wapakels sa mga artistang nagluluksa

Parang hindi nabubuhay sa pag-aartista si Vivian Velez. Parang hindi siya kabahagi ng industriyang nagluluksa ngayon. Sa halip na makisimpatya siya sa mga kasamahan niyang artistang nawalan ng trabaho ay nagbubunyi pa siya.

Kung wala siyang masasabing maganda ay manahimik na lang sana siya, hindi ‘yung ganyan na ipinaglalantaran pa niya ang pagbati sa pitumpung kongresistang bumoto sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, para sa bayan daw ang desisyong pinanindigan ng mga ito.

Hindi ba niya naisip na daan-daang kapwa niya artista ang nakalugmok ngayon dahil sa kanilang kabuhayan? Hindi nila malaman kung saan sila pupunta, kung may magbubukas bang pintuan para sa kanila, hindi ba ‘yun nararamdaman ni Vivian Velez?

Hindi maganda sa panlasa na nagnanaknak na nga ang sugat ng mga artista at empleyado ng ABS-CBN pero binubudburan pa niya ng asin para mas sumakit.

Ipinaglalantaran ni Vivian ang pagiging DDS niya, kamping-kampi siya sa tropang naglaglag sa prangkisa ng network, sana’y isinasaloob na lang niya ‘yun para hindi siya nakakapanakit ng mga taong minsan isang panahon ay nakatrabaho rin niya.

Hindi man niya nararamdaman ang sobrang pagluluksa ng mga kasamahan niyang artista dahil meron siyang kabuhayan ay huwag na lang sana siyang magsalita pa ng makasasakit sa damdamin ng iba.

Malapit na siya sa kusina ng Malacanang, huwag na siyang masyadong lumapit pa, dahil baka masunog na siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.