Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality mahadera sa show

0 301

Kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa sobrang pagmamahadera ng isang female personality sa isang programa. Balitang takot na takot siyang kontrahin maging ng mga executives, production staff at mga hosts ng show.

Hindi siya humaharap sa mga camera, pero may partisipasyon siya sa show, oras na may kumontra sa kanyang gusto ay siguradong may magaganap na hindi kagandahan para sa kumokontra sa kanya.

Napakalakas naman yata ng kapit ng babaeng ito sa prodyuser ng programa? Ano bang kapangyarihan ang meron siya para magparamdam ng kanyang pagmamahadera?

Kuwento ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente, “Karelasyon niya kasi ang producer! Siya ang pinagkakaabalahan ngayon ng namumuhunan sa show, kaya ganyan na lang siya magpalutang ng power niya!

“Kung ano ang gusto niya ang kailangang masunod, kahit hindi naman bagay sa segment ng show! Kung ano ang gusto niyang mangyari, ‘yun ang kailangang maganap!” madiing kuwento ng aming impormante.

Dahil kapit-tuko ngayon sa kanilang prodoo ang babaeng personalidad ay tikom ang bibig ng produksiyon, gusto nilang kontrahin ang female personality, pero wala silang magawa dahil siguradong makararating agad ‘yun sa kanilang tagapamuhunan.

Hindi na kabataan ang babaeng ito, una siyang nakilala sa isang sikat na game show na kumekembot-kembot sa entablado, isa siyang dancer.

Patuloy ng aming source, “Dati, e, may nakaaway siyang co-dancer niya dahil sa issue ng pang-aagaw ng boyfriend. Nalokah ang kasamahan niyang dancer na karelasyon na pala niya ang boyfriend na mayaman ng friend niya!

“Magaling! Magaling siyang fisherman, ang galing-galing niyang mamingwit kung anong isda ang pupuntiryahin niya! Tulad ngayon, sino ang makakokontra sa mga ginagawa niya sa show, e, powerful na ang feeling niya!

“May masasabi pa ba ang mga executives ng show kung wala naman silang kalaban-laban sa babaeng karelasyon ngayon ng producer nila?

“May mga hosts bang makakokontra sa kanya? Waley! Nganga silang lahat! Makararating ang pagkontra nila kay azucarera de fafa! Gusto ba nilang mawala sa show? Kendeng-kendeng na lang silang lahat!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Special guy ni Kris ‘tatakbo’ sa eleksyon

Hindi matutupad kahit kailan ang kagustuhan ni Kris Aquino na maging pribado ang kanyang pakikipagrelasyon. Paano nga naman mangyayari ‘yun kung siya mismo ang nangungunang magpasimuno sa pagbubunyag kung sino ang lalaking espesyal sa kanyang buhay?

Hindi niya na mahintay na ibang tao ang panggalingan ng kuwento, siya mismo ang naglalantad, tulad ni dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

Malakas ang kutob ng mga kababayan natin na makikilahok ito sa darating na halalan. Hindi naman natin puwedeng direktang sabihin na manggagamit ito, malay naman natin kung totoong mahal nito si Kris, pero malaking publisidad ang naitutulong sa kanya ngayong inamin ni Kris na ito ang espesyal na lalaki sa kanyang buhay.

May babalikan lang kaming kuwento. Nagkahiwalay sina Kris at Mayor Joey Marquez dahil sa pinagpistahang rebelasyon ng TV host.

Natalo bilang congressman si Mayor Joey, ginamit kasi ng kanyang kalaban ang mga inilantad na akusasyon ni Kris, habang nagbibilangan ay tumawag si Kris kay Mayor Joey.

Tanong ni Kris, “Will it make you happy if I marry you today? Nagimbal ang aktor-pulitiko, ang tanging naisagot nito, “Nobody loves a loser. Saka nand’yan pa si Mark (Lapid), di ba?”

Ang buong-ningning na sagot ni Kris na hindi niya maaaring itanggi dahil magkatabi kami ng kanyang kausap, “No, I made him governor na!”

Ahahay!

Leave A Reply

Your email address will not be published.