Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality makuwenta sa datung

0 88

Ayan, buhol-buhol na ang mga lumalabas na dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dating maayos at tahimik na relasyon ng isang showbiz couple.

Kani-kanyang ispekulasyon na ang mga “Maritess,” ito ang bagong terminong itinatawag sa mga tsismosa, ang mga grupong walang ibang binabantayan kundi ang mga istoryang puwede nilang laruin at pakisawsawan.

Isang source ang nasabi, “Pera pala ang isa sa mga dahilan kung bakit matagal nang nagkakaroon ng pagtatalo ang magkarelasyong kahihiwalay lang! Pera nga!

“Masyado kunong makuwenta ang girl sa datung! Binabantayan niya ang kinikita ng partner niya, mapaghanap siya! Ayun, napundi na ang guy, kaya unti-unti nang tumabang ang pagsasama nila,” unang kuwento ng aming impormante.

Nakakagulat, pero totoo kaya ang lumutang na kuwento na may sariling notebook ang babae na ang laman lang ay kung anu-anong proyekto ang ginagawa ng kanyang partner, nakalista du’n pati ang talent fee ng male personality!

Patuloy ng aming source, “Aba, mas mahigpit pa pala siya sa BIR, meron siyang detailed na listahan ng mga projects na ginagawa ng guy? Nakalista du’n sa notebook niya kung magkano ang TF ng guy per taping or per shooting day!

“Nakakaloka naman ‘yun! Instead na ang manager ng male personality ang magbilang, e, siya ang gumagawa nu’n! At talagang may notebook siya para lang du’n, ha?

“Siguro nga, e, nag-aalala siya na baka sa kung saan-saan lang mapunta ang kinikita ng partner niya. Baka kulang ang iniaabot sa kanya, baka ipinambababae lang nu’ng isa!” kuwento pa ng aming impormante.

May istorya ring lumabas na hindi maayos ang relasyon ng female personality sa kanyang mga in-laws. Wala namang away sa pagitan nila pero halatadong hindi sila ganu’n kalapit sa isa’t isa.

Sabi uli ng aming source, “Isa ‘yun sa mga dahilang alam ng kampo ng male personality. Parang binabantayan ng girl pati ang ibinibigay na tulong ng male personality sa family niya.

“Hindi totoong basta na lang sila naghiwalay, may pinag-ugatan ‘yun na matagal nang kinikimkim ng lalaki,” madiing pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang makasaysayang notebook, bow!

Sharon keber na sinabihang laos

Matindi na nga ang lungkot at depresyon na nararamdaman ng marami nating kababayan ngayong pandemya. Hindi na maitatago ‘yun. Marami nang nabuburyong, naiinis, pero wala namang magawa at pamimilian kundi ang magtiis na lang.

Padami na nang padami ang mga trolls. Sila ‘yung dahil sa sobrang dami ng nagaganap sa ating bayan dahil sa pandemya ay naglilibang na lang. Pero kakaiba ang kanilang ginagawang pampalimot sa problema.

Bira na lang sila nang bira, upak nang upak sa mga artista, kahit maganda naman ang layunin ng personalidad ay hinahanapan pa rin nila ng butas para lang sila makapanakit.

Isa sa mga paboritong bulabugin ng mga bashers at trolls ay si Sharon Cuneta. Bantay-sarado talaga nila ang mga posts at galaw ng Megastar.

Buti na lang at mulat na mulat si Sharon sa napapanahong kasabihan na ang taong may self-control, hindi pumapatol sa troll, dahil masasayang lang ang kanilang panahon.

Laos na raw si Sharon kaya madalas magpapansin, kailangan na raw niyang magpahinga dahil hindi na niya panahon, matinding paghusga pa ng kanyang mga bashers.

Si Sharon pa ang kanilang pinag-initan, samantalang alam naman nilang nagtagumpay ang pinakahuli niyang pelikulang “Revirginized,” ganu’n ba naman ang laos na?

Kung laos na ang Megastar ay sino na lang ang sikat ngayon? Pero pinagtatawanan lang ni Mega ang mga ganu’ng bira, naaawa pa nga siya sa mga taong sobra nang nabuburyong ngayong pandemya, dahil negatibo na ang takbo ng isip.

Damay-damay na lang siguro ang kanilang laban, putok na lang sila nang putok nang walang direksiyon, dahil pinanawan na sila ng pag-asang isang araw ay babalik din sa normal ang ating buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.