Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality malaki ang utang sa negosyante

0 130

Sobrang pamilyar na sa isang lugar na hindi kalayuan sa Maynila ang itsura ng isang kilalang female personality. Palagi kasi siyang nandu’n.

Hindi na siya pinagkakaguluhan, hindi na bago ang pagpunta niya du’n, wala nang elemento ng sorpresa kapag nakikita siya ng mga tagaroon.

Unang patikim na impormasyon ng aming source, “Kahit maliliit na eskinita lang, palagi siyang nandu’n kapag may contest, isa siya sa mga nagya-judge.”

Ano kaya ang dahilan at kahit saan sa nasabing lunsod ay palaging nagiging judge sa mga labanan ang kilalang female personality?

“Nasaan na ang premium niya kapag ganu’n? Kahit saan na lang, e, nakikita siya! Kesehodang labanan lang sa isang barangay, e, judge siya! Kasi nga, malaki ang pagkakautang niya sa isang yayamaning tagaroon.

“Hindi siya nakapagbabayad, kaya wala siyang choice kundi ang magpunta para mag-judge. Owner ng isang event venue ang pinagkakautangan niya, siya ang palaging organizer ng mga celebration sa lugar na ‘yun, kaya siya ang palaging guest,” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Nakakalungkot ang nangyari sa dating napakasiglang career ng female personality. Itinuring pa naman siyang nagrereyna sa isang network nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad.

Patuloy ng aming source, “Hindi lang naman siya ang artistang nagkaroon nang matitinding personal problem. Mas matindi pa nga ang naengkuwentro ng ibang personalities, pero hindi nila pinabayaan ang career nila.

“Pero ang isang ito kasi, e, napakadaling sumuko! Hindi siya nanghinayang sa career niya na napakatagal din niyang pinaghirapan. ‘Yun nga ang pinapangarap na position ng maraming artista, e!

“Sa isang iglap, nagwala-walaan na lang siya, puwede niya namang ituloy ang maganda niyang career habang sino-solve niya ang personal problems niya!

“Paano nga siyang hindi magkakautang-utang, e, wala namang pumapasok sa bulsa niya? Puro palabas, walang pumapasok, kaya ayun, ultimo maliit na barangay, e, nagdya-judge siya!

“Du’n man lang, e, mapagbigyan niya ang pinagkakautangan niyang businesswoman!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Claudine binigyan ng kahihiyan si Raymart

Sino kaya kina Claudine Barretto at Attorney Ferdie Topacio ang nagsasabi ng totoo? Kinumpirma ng magaling na abogado na naputulan ng kuryente ang aktres nu’ng Kapaskuhan.

Pero idinenay ‘yun ni Claudine, hindi raw sila naputulan ng kuryente, pinutol lang daw ng Meralco ang linya sa kanilang lugar dahil nabasa ang mga kable nang magbaha.

Ang tinitirhan nilang subdivision ay nasa kabila lang ng Marikina River, bakod lang ang kanilang pagitan, totoong madalas na binabaha rin ang kanilang village kapag tumataas ang tubig sa ilog.

Maraming nagpatunay na hindi totoong naputulan ng kuryente si Claudine nang lumutang ang balita. Walang nagaganap na putulan ngayong panahon ng pandemya. Panay-panay ang abiso ng pamunuan ng Meralco na maging ang mga kababayan nating hindi nakapagbabayad nang ilang buwan ay puwedeng magpunta sa kanilang tanggapan para iayos ang schedule ng pagbabayad.

Tuloy ay may mga nag-isip na palutang lang ‘yun ni Claudine para bigyan ng kahihiyan si Raymart Santiago na ayon sa kanya ay hindi nagbibigay ng sustento para sa kanilang mga anak.

Kabi-kabila rin ang tanong kung bakit siya mapuputulan ng ilaw, ganu’n na ba siya ka-poor ngayon, walang-wala na ba talagang pera si Claudine?

Pero nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang putulan-ng-kuryente issue. Baka raw nagkamali lang ng interpretasyon ang kanyang abogado, madilim na madilim daw kasi ang kanilang bahay nang magsadya ito para magbigay sa kanila ng regalo, pagdidiin ng aktres.

Nag-staycation daw muna sila ng kanyang mga anak nang mawalan ng ilaw sa kanilang lugar, saka may generator daw sila, kaya lang ay hindi na nila pinaandar.
Ganu’n daw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.