Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality malas

0 832

Nakakaawa naman ang isang popular na female personality na hanggang ngayo’y ayaw bitiwan ng mga bashers sa pagtawag sa kanya na malas.

Siya raw ang naghatid ng kamalasan sa indultong kinakaharap ngayon ng nilundagan niyang istasyon. Nang dumating daw siya du’n ay nagkasunud-sunod na ang mga problema ng bakurang nilipatan niya.

Kuwento ng isang source na awang-awa rin sa female personality, “Kung sana, e, basta na lang siya lumundag nang walang respeto sa pinanggalingan niyang network.

“Nagpaalam naman siya, humingi siya ng basbas, hindi niya naman inaalis sa puso niya na napakalaki ng naitutulong sa kanya ng dati niyang istasyon,” pagtatanggol ng source sa female personality.

Pagpansin ng aming source, kahit baguhan pa lang ang babaeng personalidad sa nilipatan niyang istasyon ay matindi ang ginagawa niyang pakikipaglaban, kumpara sa mga dating artista na ng network.

“Nakikita naman nila kung paano magmalasakit ang girl sa mga kasamahan niyang mawawalan ng trabaho. Hindi na magugutom ang female personality, sobra-sobra na ang meron siya, pero ang mga kapwa niya nagtatrabaho sa istasyon ang ipinaglalaban niya.

“Buti nga siya at ganu’n na lang kung makipaglaban, e! Sabi nila, e, siya raw ang naghatid ng kamalasan sa network, pero nasaan ba ang mga artistang datihan na du’n, ni hindi nga sila lumalantad para makipaglaban para sa station nila!

“Maraming play safe sa kanila, hindi makapagsalita, kasi nga naman, baka hindi na talaga maipanalo ng network nila ang laban, di matatatakan sila!

“Saan na nga naman sila pupunta? Kaya tantanan na ang pamba-bash sa female personality, desisyon para sa career niya ang ginawa niyang paglipat, walang personalan du’n!” pagtatapos ng aming impormante.

Ganown!

Related Posts

Sharon pumutok ang dibdib

Komento ng ibang tagasuporta ni Sharon Cuneta ay mukhang hindi na siya umaalis sa harapan ng kanyang mga gadget. Napakaaktibo niya sa pagpatol sa mga bashers na walang nakikitang positibo tungkol sa kanya.

Sinasagot niya ang mga bashers, wala siyang pinalalampas na upak, may sobra-sobrang panahon ngayon ang Megastar sa pagpatol as mga nananakit sa kanya.

Totoong maluwag ang panahon ngayon ng mga artista dahil wala pa silang pinagkakaabalahang trabaho. May sapat na panahon sila ngayon para sagutin ang mga komentong talaga namang nakakapanakit sa kanilang damdamin.

Hindi natin dapat kalimutan na tao rin ang mga artista, matindi rin ang kanilang pakiramdam na tulad ng mga ordinaryong taong hindi nabubuhay sa harap ng mga ilaw at camera, isa na du’n si Sharon.

Lumalabas ang kanyang mga pangil kapag kinakanti na ang kanyang pamilya, hindi niya basta-basta mapalalampas na masaktan ang kanyang asawa at mga anak, pangalawa na nga lang ang sarili niya.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Kahit pa pinalaki ka nang maayos ng mga magulang mo, kahit pa pinag-aral ka sa pinaka-exclusive na eskuwelahan, darating at darating ang point na makakalimutan mo ‘yun kapag sobrang nasasaktan ka na.

“Iiwanan mo na ang mga katangiang ‘yun sa isang sulok, sasabak ka na sa laban, dahil hindi mo na kayang ipagpasa-Diyos na lang ang mga salitang ibinabato sa iyo!” komento ng aming kausap.

At dumating na nga sa sukdulan si Sharon Cuneta, pumutok na ang kanyang dibdib, kaya ng tawag niya sa mga taong sobrang nananakit sa kanilang pamilya ay mga kampon ng demonyo.

Bakuna na lang na madidiskubreng panglunas sa COVID-19 ang hinihintay ng buong mundo, may katapat na gamot ang salot, pero para kay Sharon Cuneta ay walang kagamutan ang mga taong walang ginagawa kundi ang manakit ng kanilang kapwa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.