Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality maldita sa mister

0 166

Gaano katotoo na may split personality ang isang female personality na nakapagitna sa isang kontrobersiya ngayon? Kahit ang mga kasamahan niyang artista ay may alam tungkol sa kuwento.

Puwede siyang maging mabait na mabait, puwede ring maging pinakamalditang babae siya sa balat ng lupa, meron siyang dalawang magkaibang personalidad.

Kuwento ng aming source, “Kunsabagay, pangkontrabida naman kasi talaga ang itsura niya! Matigas ang itsura niya, matalim, bagay na bagay siyang magkontrabida!

“Nakakaloka ang mga kuwentong lumalabas ngayon tungkol sa kanya. Nakakaawa kuno ang karelasyon niyang male personality nu’ng nagsasama pa sila dahil ina-under-under niya!

“Spoiled kasing lumaki ang girl, kaya ang akala niya, e, puwede niyang bitbitin ‘yun kahit sa pakikipagrelasyon niya!” unang sultada ng aming impormanteng nakataas ang kilay.

Hiwalay na sila ngayon ng male personality, unti-unti nang lumulutang ang mga istorya ng kanilang pagsasama, ang dami-daming kuwento nu’n.

Patuloy ng aming source, “May kuwentong siya mismo ang nagsasabi sa kanilang mga kasambahay na huwag nang pansinin ang kanilang sir kapag umuuwi mula sa pagtatrabaho.

“Imagine, maghapon at magdamag na nagtatrabaho ang male personality, acting kung acting siya nang mahabang panahon, pero kapag umuuwi siiya, e, walang food na puwedeng ihain sa kanya ang mga maids nila?

“Kasi nga, e, mismong ang female personality ang nagmamando sa mga kasambahay nila na huwag nang intindihin ang sir nila, kasi raw, e, hindi naman nagbibigay sa kanya ng pera!

“Kulang na kulang daw ang budget na panggastos nila, kaya huwag na lang pansinin ang mga kailangan ng male personality, deadma lang sila!

“Pero may time naman na super-asikaso siya sa male personality, parang siya mismo ang maid-of-cotton sa sobrang pag-eestima sa husband niya!

“Ibang klase talaga siya, may split personality nga siya, mahirap ngang makisama sa taong ganu’n dahil hindi mo alam kung ano ang present attitude niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

John Lloyd, Bea, Pokwang walang laban na inupakan

Lalahatin na namin. Basta kumabilang-bakod sa GMA-7 ang artista ng ABS-CBN ay siguradong pakakainin siya ng ampalaya ng mga bashers at maging ng mga dati niyang katrabaho sa inalisan niyang istasyon.

Tatawagin siyang walang utang na loob, ingrata at manggagamit. Kahit pa maliwanag namang humingi ng basbas sa mga ehekutibo ng ABS-CBN ang nagdesisyong lumipat ay negang-nega pa rin ang kanyang dating.

Katwiran ng mga bumibira ay ingrata ang lumipat pagkatapos siyang pasikatin at payamanin ng network na tinanggalan ng prangkisa. Palaging ganu’n. Iisa lang ang script. Walang kalaban-laban ang inuupakang personalidad.

Isa lang ang puwedeng dapat gawin para maiwasan ang mga pagbibintang na walang utang na loob, ingrata at manggagamit ang artistang lumilipat sa ibang bakuran.

Dapat bigyan ng clearance ng network ang mga artista nilang lumilipat sa ibang istasyon. Kumbaga sa mga estudyante ay kailangan nilang magbigay ng honorable dismissal para makalipat ang mag-aaral sa ibang eskuwelahan.

Sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Pokwang at iba pang mga artistang nasa bakuran na ng GMA-7 ngayon. Lahat sila ay inuupakan sa social media, pati mga dati nilang katrabaho sa Dos ay nag-post din ng hindi kagandahan, pinakain sila ng mga salitang mahirap lunukin.

Kasi nga ay hindi naman nila alam ang prosesong pinagdaanan ng mga artista bago sila pumirma ng kontrata sa kabilang network. Kung may clearance sila mula sa ABS-CBN ay wala nang bibira sa kanila dahil malinaw na nakasulat du’n na nagkaroon ng respeto ang mga artista sa pagpapaalam sa mga ehekutibo.

At pinayagan naman nila. Tapos!

Leave A Reply

Your email address will not be published.