Abante Tonite Interactive

Female personality mapagpanggap

330

tonite-no-thanks-cristy-ferminPuro halakhakan ang maririnig sa paligid dahil sa nakakatawang kuwento ng isang source tungkol sa isang mapagpanggap na female personality. Mismo!

Maraming kaeklatan kuno ang babaeng perso­nalidad na ito para lang siya bumida sa lahat ng oras. Mapagpanggap siya, marami siyang drama, pero sa bandang huli ay nabubuking din naman siya.

Kuwento ng ­aming source, “Mahilig daw siyang magluto ng iba-ibang putahe, sabi niya, di ba? Nireregaluhan pa nga niya ang mga bossing ng network kung saan siya nagtatrabaho, di ba?

Abante Hiring – IT dep

“Huwag kayong maniniwala sa mga press release niya! Hindi siya ang nagluluto, inoorder lang niya ‘yun sa isang kaibigan niyang chef, binibili lang niya ang mga food na ipinangreregalo niya!

“Pero napahiya siya nu’ng minsan, may niregaluhan siyang persona­lity na talagang nasarapan sa regalo niyang ulam. Nagpapaluto uli sa kanya, magbibigay ng datung ang personality, kanya ang lahat ng gastos!

“Hindi niya tinanggap ang datung, ipagluluto niya na lang daw uli ang iniidolo niyang personality, pero ilang buwan na, e, wala pa rin naman siyang naibibigay!

“Kasi pala, e, nasa ibang bansa ang chef na kaibigan niya, um-attend sa isang malaking food festival, kaya wala siyang mapagluto ng favorite dish ng idolo niya!

“Nu’ng nakabalik na ang chef, e, agad na siyang nagpaluto ng iba-ibang putahe, buong-ningning niyang ipinadala ‘yun sa idolo niyang aktres na ang sabi niya, e, siya ang nagluto!

“Mapagpanggap ang babaeng ‘yun! Pa-star talaga siya! Para lang maging bida siya, e, kung anu-anong kadramahan ang pinaggagagawa niya!

“Meron pa siyang drama na kaya kuno siya lumaki na parang bal­yena, e, dahil sa kaluluto niya! Napakamapagpanggap talaga niya! E, hindi naman siya ang nagluluto, inoorder lang naman niya ‘yun, para bumida siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Siya na talaga ang Queen!
***

Ion Perez inismol sa relasyon nila ni Vice

Nagpapakamatay sa pagtatrabaho si Vice Ganda. Mapalad nang magkaroon ang sikat na komedyante-TV host ng sarili niyang oras. Lahat ay halos okupado na ng kanyang karera.

Sa ganu’ng klase ng rutina sa araw-araw ay kailangan niya ng inspirasyon. Meron dapat siyang mahal at nagmamahal din sa kanya na nagpapadali ng lahat-lahat ng trabaho para sa kanya.

Tao lang si Vice Ganda, kung ang makina nga ay pinagpapahinga para mas matagal na pakinabangan, tao pa ka­yang tulad niya?

Si Ion Perez ang kanyang inspirasyon ngayon. Ang modelong itinutu­ring na poste ng kanilang pamilya pero hindi nagpasilaw sa yaman at karangyaan nu’ng mga panahong maraming nangangako sa binata ng ganito at ganyan.

Pero dahil sa araw-araw nilang pagsasama sa It’s Showtime ay nagkadebelopan sila. Nagtagpo ang kanilang mga puso. Kaila­ngan pala nila ang isa’t isa.

Huwag na sanang ipagdamot kina Vice at Ion ang kaligayahang nararamdaman nila ngayon bilang magkarelasyon. Tutal naman ay wala silang nasasagasaan, tutal naman ay hindi lang sila naggagamitan, mahal talaga nila ang isa’t isa.

Nagkataon lang kasing sikat at super-yaman si Vice Ganda kaya ang linyang use me in a sentence ay palaging ikinakambal sa kanilang relasyon. Kung ordinaryong becki lang si Vice ay hindi naman ganu’n ang paghusgang ibabato laban kay Ion Perez.

Hindi naman natin hawak ang kanilang mga puso, malay naman natin kung ano talaga ang isinisigaw nu’n para husgahan natin sila, pang-unawa lang ang kanilang hiling ngayon.

Maraming tinutulungan si Vice Ganda. Hindi niya sinasarili ang mga biyayang pinagpapaguran niya. Ang mga batang pumapasok nang gutom sa kanilang barangay na si Vice ang dahilan—ipagdadamot pa ba naman natin sa kanya ang kaligayahang nagpapagaan sa kanyang pagtatrabaho ngayon?