Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality mapanganib ang tabas ng dila

0 617

Sa mga kilalang personalidad na babae na laging sinasabihang may sariling mundo ay meron palang mayhawak ng korona. Siya ang nakaupo sa trono at ang ibang mga female personality ay mga kabig lang niya.

Ayon sa mga nakatrabaho na ng female personality na pinakareyna sa lahat ng mga may sariling mundo ay kakaiba siya. Ibang-iba. Consistent.

Unang kuwento ng aming source, “Dumarating siya sa set na para siyang galing sa ibang planeta dahil wala siyang kilalang kahit sino sa location. Wala siyang keber. Wala siyang kinakausap na kahit sino.

“Kahit ang PA niya, e, hindi rin niya kinakausap, puro sign language lang sila. Kabisado na siya ng alalay niya, kaya puro senyasan lang sila!

“Ganu’n siya nakakaloka! Kung bakit siya ganu’n, e, walang makakapagpaliwanag, siya lang, pero ‘yun siya talaga kapag nawawala siya sa huwisyo,” unang kuwento ng aming impornante.

Matagal ‘yun, kung minsan ay nakalilipas ang kanilang trabaho nang hindi sila kinakausap ng female personality, silent movie talaga ang drama nila sa set.

Sabi uli ng aming source, “May matinding problema ang babaeng ‘yun. Kakaiba siya talaga, hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya. Kahit sa panahong galit siya, kailangan niyang mag-isip kung tama ba ang mga itinatalak niya.

“Dapat siyang mag-undergo sa anger management, hindi kasi niya talaga kayang kontrahin ang thoughts niya, kung ano ang gusto niyang sabihin, go lang siya nang go!

“’Yun din siguro ang reason kung bakit wala siyang nagtatagal na relasyon. Magtagal man sila nang ilang taon, e, sa hiwalayan din ‘yun nauuwi.

“Aba, mahirap naman talagang makisama sa isang taong mahirap kapain ang ugali! Kung ayaw niyang magsalita nang buong araw, e, basta ganu’n na lang?

“Kung kailan niya gustong magsalita at makipag-usap, basta ganu’n na lang din ‘yun? Sino nga ang tatagal sa kanya? Nakakaloka pala ang babaitang ‘yun!

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kunsabagay, kitang-kita naman ang pruweba ng ugali niya, masyado siyang reklamador, marami siyang kuda sa social media! Mapanganib ang tabas ng dila ng female personality na ‘yun!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Sharon kalmado sa giyera

Komento ng mga kaibigan naming may mataas na posisyon sa mga opisinang pinagtatrabahuhan nila ay iba raw talaga ang edukado kapag humarap sa giyera.

Kalmado. May lalim. May saysay. Tulad ni Sharon Cuneta. Kung ibang artista lang daw ang biniktima ng mga fake news ay nagwawala na siguro habang nililinaw ang mga isyu.

Sabi ng kaibigan naming CEO sa kanilang negosyo, “Sharon has a bragging character. Maipagmamalaki niya ang ugali niyang ganu’n na matinding giyera na ang pinapagitnaan niya, pero she’s cool, we call that grace under pressure.”

Pinanood nila ang buong nilalaman ng unang pagsasalita ni Sharon mula sa Amerika kasama ang kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan.

Pinanday na ng panahon ang Megastar, na-master na niya ang pagtanggap at pagsagot sa mga inimbentong kuwento laban sa kanya at sa mga taong mahalaga sa kanya.

Sabi uli ng aming kaibigan, “Oo nga! Malapit na naman kasi ang election. Filing na ng COC sa October, kailangan nang umandar ang mga makinarya para wasakin ang mga politicians na kakalabanin nila!

“Pero sa lahat ng sinabi ni Sharon, e, pinakagusto ko ang sinabi niya na hindi nila pinagkakakitaan ang pulitika. Meron din kayang makapagsasabi ng ganu’n with all their heart?”

Maayos na naitawid ni Sharon ang kuwentong hinabi-habi ng mga walang magawa na binugbog daw kasi siya ng senador, na may mas bata raw siyang karelasyon, na nagdadalantao raw siya ngayon.

Kayang-kaya nang hawakan ng Megastar ang kanyang emosyon, sa tagal na nga naman niya sa pag-aartista ay meron pa bang makapanggugulat sa kanya, kaya pinagtatawanan na lang niya ang mga taong sarap na sarap na wasakin silang mag-asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.