Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality maramot sa ex

0 162

Maraming naaartehan sa isang female personality na pilit na pilit kuno ang pagpapa-cute kahit hindi na bagay sa kanya. Hindi na raw siya teenager para magpakilig ng mga faney.

Hindi pa rin daw nagagamot ang kaartehan ng babaeng itey, mula nu‘n hanggang ngayon ay nuknukan na siya ng kaartehan, kakambal na kuno ‘yun ng kanyang inunan nang ipanganak siya.

Kuwento ng aming source, “Maraming naiinis sa kanya! Kasi nga, habang meron na siyang ibang karelasyon, e, nagbibigay pa rin siya ng wrong signal!

“Tama bang pakialaman niya pa rin ang buhay ng ex niya? Ano ang pakialam niya kung humanap na ng iba ang guy, e, siya nga, napakabilis niyang nakatagpo ng pamalit sa BF niya!” unang sultada ng aming source.

Marami pa ring naniniwala na habang magkarelasyon pa ang female personality na ito at ang kanyang boyfriend ay pumasok na agad sa eksena ang hunk actor na karelasyon niya ngayon.

Balik-chika ng aming impormante, “Naku, kaya siya kiniinisan, e! Bukod sa meron na siyang sinulutang female, e, sila pa rin ng boyfriend niya!

“Kumbaga, e, hindi pa formal ang break-up nila, sila pa rin nu’ng mga panahong ‘yon, pero in-entertain na niya ‘yong hunk actor!

“Natural, galit na galit ang mga faney nila! Ano nga ba naman ‘yon? Hindi pa sila naghihiwalay, e, meron na agad siyang iba? ‘Yon ang dahilan kung bakit dalawang kampo ang namba-bash sa kanya!

“Ang kampo ng female personality na niloko nila nu’ng hunk actor, saka ang mga faney nila ng dati niyang boyfriend na as in, awang-awa sa lalaki!” paglilinaw pa ng aming source.

At habang nagpapakasaya sila ng kanyang boyfriend ngayon ay pinagdadamutan niya naman ang kanyang ex, talagang nagpa-cute pa ang girl, ayaw niyang makipagrelasyon ang ex niya.

Sabi uli ng aming source, “Ano ‘yon, siya lang ang may karapatang lumigaya at ‘yong ex niya, e, wala? Hindi na bagay sa kanya ang pagpapa-cute! Hindi na siya bagets, puwede ba?

“Selfish siya! Maramot siya! ‘Yon mismo ang isinisigaw ng mga faney nila, ayaw niyang lumigaya ang ibang tao habang nagpapakalunod siya sa kaligayahan!

“Tantanan na niya ang pagpapa-cute! Tumatanda na siya! Magdagdag na lang siya ng timbang para hindi siya mukhang maysakit! ‘Yon ang sigaw ng mga faney nila ng ex niya!” pagtatapos ng napapailing naming impormante.

Susan pinamanahan ang pamangkin

Napakaraming nagtatanong sa amin ngayon kung kanino ipinamana ng namayapang Hari at Reyna Ng Pelikulang Pilipino ang kanilang naiwanang kayamanan.

Lantad sa publiko kung paano pinaghirapan nina Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces ang kanilang kabuhayan. Dugo at pawis ang kanilang ipinuhunan.

Napakarami nilang naipundar na ari-arian, sininop nila ang kanilang kinikita, itinuturing na pinakamayamang personalidad ng lokal na aliwan ang mag-asawa.

Kung ang magiging basehan ay pagiging legal na anak, nakadokumento ang legal adoption nila kay Mary Grace Sonora Poe, isa lang ang kanilang anak. Pero sa abot ng aming kaalaman, nang pumanaw ang Hari Ng Pelikulang Pilipino ay si Manang Inday mismo ang nagbahagi ng pamana kina Ronyan at Lovi Poe at sa isa pang anak ni Tito Ronnie na nasa ibang bansa, ‘yon ang nakaabot na impormasyon sa amin.

Napakasuwerte raw naman ni Senadora Grace ayon sa aming mga nakakausap, mapupunta sa kanya ang mga iniwan ng kanyang mga magulang, pero hindi ganu’n ang interpretasyon ng isang mapagkakatiwalaang source na nakakuwentuhan namin.

Matagal na palang pinaghandaan ni Manang Inday ang panahon ng kanyang pag-alis. Bukod kay Senadora Grace ay binahaginan din ng pamana ng Movie Queen ang kanyang mga pamangking hindi na namin papangalanan na tunay na nag-alaga sa kanya nang mahabang panahon.

Sabi ng aming source, “Hindi maramot si Senadora Grace, ganu’n din si Manang Inday, marunong silang magpahalaga sa mga taong totoong nagmahal sa kanila.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.