Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality matagal nang hiwalay sa aktor

0 573

Punumpuno ng respeto ang isang kilalang female personality sa paghawak ng pinagdaraanan nilang problema ng kanyang mister.

Kumpirmadong hiwalay na sila pero ang respeto ay naiwanan pa rin sa kabila ng pagtabang ng kanilang pagmamahalan.
Matagal din silang nagsama, pero puwedeng sabihin na ang pagiging bata pa nila ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan, hindi pa sila handang harapin ang buhay mag-asawa.

Kuwento ng aming source, “Ilang months na silang hiwalay, nagsolo na ang girl, kasama ang mga anak nila. Pero walang kahit sinong nakaramdam sa hiwalayan, naging tahimik lang silang dalawa.

“Nagkaroon lang ng idea ang malalapit sa kanila nung mawala na ang mga pictures ng male personality sa IG account ng girl, nun lang nag-alala ang mga friends nila, ano ang nangyari?” unang sultada ng aming source na malapit sa nagkahiwalay na mag-asawa.

Marespeto ang female personality, alam niya ang kanyang mga sasabihin at malaya niyang maikukuwento ‘yun, pero mas pinili niyang manahimik.

At marespeto rin ang male personality, meron nang mga nang-uusisa sa kanya, pero ngiti lang ang palaging isinasagot nito.

Patuloy ng aming impormante, “Maganda ang pagdadala nila sa problema, puwede naman silang magsalita para i-confirm ang nangyari, pero pareho lang silang tahimik.

“Puwede rin silang magsalita para idepensa ang mga sarili nila, pero walang ganung nangyari, hindi sila nag-take advantage sa chance na maunang magkuwento. Malaki pa ang chance ng pagbabalikan nila, walang nanakit sa kahit kanino, kaya puwede pa rin silang magbalikan,” malakas na paniniwala pa ng aming source.

Sayang na sayang ang kanilang relasyon, magandang ehemplo sila sa pakikipaglaban sa kanilang pagmamahalan, pero tanggap nila ang katotohanan na hindi nila hawak ang kinabukasan.

***

Ted Failon ligtas na sa COVID

Sa buong panahon ng pagku-quarantine ng magaling na news anchor na si Ted Failon dahil sa COVID-19 ay tinutukan namin ang kanyang kalagayan.

Hinding-hindi na malilimutan pa ni Ted ang kanyang kaarawan sa taong ito, ‘yun ang pagkakataong sa halip na magsaya ay naligalig ang kanilang buong pamilya, dahil nagpositibo siya sa virus.

Araw-araw kaming magka-text mula pa nu’n, pero iba ang naganap nang wala naman siyang nararamdaman, pero positibo ang resulta ng kanyang swab test.

Asymptomatic si Ted, hindi siya nawalan ng panlasa, wala siyang ubo at sipon at anumang masakit sa kanyang buong katawan, pero hindi nga pala sapat ang ganu’n lang, dumaan pa rin siya sa masusing quarantine para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang mga anak at apo.

Sabi niya nu’ng unang araw ng kanyang quarantine, “Imagine, shock na shock ako, wala akong anumang naramdamang iba sa health ko, pero positive pala ako. What a way to celebrate my birthday!”

Agarang sumailalim sa swab test ang kanyang pamilya at mga kasambahay, masaya siya sa naging resulta, wala siyang dapat ipag-alala dahil negatibo ang mga ito.

Sa kanyang pag-iisa ay maraming reyalisasyon ang kanyang naengkuwentro. Madasalin si Ted, matindi ang kanyang pananampalataya, hindi niya sinisimulan ang anumang programa niya nang hindi muna siya nagdarasal sa himpapawid.

Kuwento pa rin ng magaling-matapang na komentarista, “Kapag nag-iisa ka lang, du’n mo mararamdaman ang kung anu-anong pag-aalala. Maiisip mo, napakaigsi pala ng buhay.

“Sa isang kumpas lang, puwede ka nang mawala. Marami kang iisipin, paano na ang mga anak at apo mo na mga bata pa? Kaya hindi talaga dapat tayo nakalilimot sa panghihingi ng gabay sa Panginoon. Anumang oras, puwedeng may mangyari sa atin,” sinsero niyang pahayag.

At nu’ng hapon ng Pasko Ng Pagkabuhay ay nakatanggap kami ng mensahe mula kay Ted Failon, “Purihin ang Diyos! Negative result ang RT-PCR test ko po, ‘Nay, kalalabas lang.”

Kahapon ay nagsimula na uli siyang magtrabaho, work from home sila ni DJ Chacha sa kanilang apat na oras na programa tuwing umaga sa Radyo 5, TV5 at OnePH.

Leave A Reply

Your email address will not be published.