Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality may sinakmal sa litanya

0 270

Napakalalim pala ng mga istorya sa likod ng hindi pagkakaunawaan ng isang popular na pamilya sa showbiz. Masalimuot ‘yon. Kumplikado.

Matagal nang umiikot ang mga kuwentong ‘yon, pero nanahimik lang ang pinakaprinsipal ng istorya, ayaw niya kasing makapanakit ng damdamin ng mismong mga kadugo niya.

Pero kuwento ng aming source, “Maraming kuwentong ipinanahimik lang ng puwedeng magsalita. Kapag siya ang nagbukas ng bibig, siguradong maniniwala ang lahat, hindi kasi siya mapaggawa ng mga kuwento.

“Pero napakahalaga sa kanya ng pribadong buhay. Mula’t mula naman, wala tayong narinig mula sa kanya, nakita lang natin siyang nagalit nu’ng mismong ang pinakamamahal na niya ang niloko,” unang sultada ng aming impormante.

Walang utang na loob ang tawag ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa isang female personality na nagtangkang magkunwaring biktima nitong mga huling panahon.

“Hindi na ikinagulat ng mga kaibigan niya ang ginawa nu’ng female personality. Sanay na silang palaging umeeksena ang babaeng ‘yon. Pa-victim siya palagi.

SM food to go Banner Ad

“Para lang maisalba ang sarili niya sa mga issue, gagawa at gagawa siya ng dahilan at paraan para siya ang kaawaan ng publiko. Nangyari na ‘yon, di ba?

“May matindi siyang ginawa nu’n sa mismong family niya, galit na galit sa kanya ang mga kababayan natin, pero ano’ng nangyari? Siya ang biktima, hindi siya ang dapat sisihin, tama ang ginawa niya.

“Tulad ngayon, nasaan ang respeto at utang na loob niya sa taong halos hindi na siya itinuring na iba? Maganda ang mga kuwento niya, katangi-tangi ang nakaraan nilang relasyon, pero sa paglilitanya niya, e, may sinasakmal naman siya!
“Benggador ang girl, punumpuno ng galit ang puso niya, talagang hindi siya titigil hanggang hindi niya nasasaktan ‘yong taong kinaiinggitan niya!

“Kaso, hindi naman siya pinapansin ng taong ‘yon, napakarami nga naman niyang mas importanteng bagay na kailangang tutukan kesa sa isang babaeng talikuran siyang sinisiraan!

“Habambuhay niyang bibitbitin ang galit sa puso niya, hindi siya magkakaroon ng peace of mind, alam niya kung ano ang totoong kuwento, pero mas gusto niyang ganyan na pa-victim siya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.