Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nabaon sa kasinungalingan

0 146

Totoo ang kasabihan na more talk, more mistake. No talk, no mistake. Maraming nag-aalala tungkol sa isang kilalang female personality na sa pag-iwas sa isyung matagal nang pinagpipistahan tungkol sa relasyon nila ng isang pamosong male personality ay lalong nababaon sa kasinungalingan ayon sa mga nakakakilala sa kanila.

Matagal na silang magkarelasyon, mas pinili nilang daanin sa pananahimik ang kanilang pagmamahalan, lahat daw kasi ay ibinahagi na nila sa publiko kaya sana ay para na lang sa kanilang dalawa ang aspetong ‘yun ng kanilang buhay.

Kuwento ng aming source, “Tama naman sila du’n. Kahit pa tinatawag silang public figure, e, may karapatan pa rin silang mag-iwan ng something para sa kanila lang.

“Sa totoo lang, napakatagal na nilang itinatago ang relasyon nila sa publiko. May ilang kaibigan silang nakakaalam ng kung ano ang relasyon nila, pero bilang na bilang lang ‘yun sa daliri.

“Sila-sila lang ang nakakaalam, walang naglalabas, may unwritten rule sila na walang maglalabas ng katotohanan in public,” unang madiing komento ng aming impormante.

Pero imposibleng maitago nila ang katotohanan, meron at merong makakaalam ng totoo, kaya wala pa rin silang ligtas.

Patuloy ng aming source, “Nakakapag-worry lang ang girl. Ang dami-dami niyang sinasabing kuwento ngayon para lang mailigaw nila ang mga tao.

“Marami siyang kuwento, pinagtataasan ‘yun ng kilay ng mga nakakaalam ng totoo. Ang reaksiyon nila, e, napakalalim na ng pagsisid ng girl, napakarami na niyang sinasabi, kaya kumbaga, mahihirapan na siyang makaahon du’n pagdating ng tamang panahon.

“Sabi nga ng mga nakapanood sa pagsasalita niya, more talk, more mistake, no talk, no mistake. Kung mananahimik na lang sana siya, e, di wala siyang babawiin kapag dumating na ang paglabas ng katotohanan!” nagmamalasakit pang kuwento ng aming source.

Isang isyu ito na hindi mamamatay. Palaging buhay na buhay. Maraming nakakaalam sa pinagdaanan ng aktres. Hindi niya puwedeng itago ‘yun, kahit pa paulanan ng putok ng kanyang karelasyon ang mga saksi sa kaganapan.

Bea pinakawalan ni Carlo Katigbak

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw ng aming reliable source na isang taon nang walang kontrata si Bea Alonzo sa Star Magic at sa ABS-CBN. Pero bago siya kumabilang-bakod sa GMA-7 ay nagpaalam pa rin si Bea sa mga ehekutibo ng network.

Gusto niyang malinis na malinis ang daang tatahakin niya sa paglipat ng network. Pinayagan naman siya ni Mr. Carlo Katigbak, maayos ang kanilang pag-uusap, isang ahekutibo rin ang nagsabi sa kanyang manager na si Shirley Kuan na malaya siyang makapagtatrabaho sa labas dahil wala pa silang maibibigay na trabaho sa dalaga.

Magpakatotoo tayo. Mula nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay gumiwang ang kanilang kaban. Marami silang gustong gawing proyekto para magkaroon ng pagkakakitaan ang kanilang mga kontratadong artista pero hindi nila ganu’n kadaling maisasakatuparan ‘yun dahil sa kakapusan ng kanilang pampuhunan.

Maraming artista nila ang nakatengga, ang mga hindi makapaghintay ay nagpaalam na para makapagtrabaho sa labas ng kanilang bakuran, pinayagan naman sila ng mga tagapamuno ng Dos.

Sa pagpirma ng kontrata ni Bea sa GMA-7 ay may mga kabuntot na kuwento na mismong nagmumula sa mga dati niyang katrabaho sa ABS-CBN.

Nag-inarte raw si Bea nu’n, ayaw niyang lumabas, dahil takot na takot siya sa COVID-19. Pero kamukat-mukat nila ay tinatrabaho na pala ng aktres ang kanyang paglipat sa itinuturing nilang kalabang istasyon.

Bakit sila ang nagsasalita ng ganu’n bilang paninira kay Bea? Bakit hindi ang mga ehekutibong pinagpaalaman niya ang magtuwid ng balita?

Inamin naman ni Bea at ang kanyang manager na meron pa siyang hindi natapos na proyekto sa ABS-CBN, ‘yun ang isa sa mga dahilan kung bakit Oktubre pa siya makapagsisimula sa Siyete, nasaan ang problema?

Matuwa na lang sana ang mga taong ‘yun na nababawasan ang bilang ng mga personalidad nila na umaasang magkakaroon ng pangtawid-gutom sa kanilang istasyon pero walang maibigay ang kanilang network.

Nagkataon namang bandehado ang meron ngayon ang GMA-7 kumpara sa platito na lang ngayon na meron ang ABS-CBN, sino naman ang tatanggi sa mga biyaya, lumalabo ang mga mata ng ganu’n.

Leave A Reply

Your email address will not be published.