Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nabubuhay sa ilusyon

0 514

Matinding palaisipan para sa marami kung bakit ganu’n na lang ang pagkagusto ng isang pamosong female personality sa isang kilalang lalaking personalidad.

Mula nu’n hanggang ngayon ay nagpapalutang pa rin ng interes ang babae sa male personality, ayaw niyang tantanan, palaging kinakaladkad sa mga usapin tungkol sa pakikipagrelasyon.

Komento ng aming source, “Palagi niyang binubulabog ang pananahimik nu’ng male personality, idinadamay niya sa kuwento palagi, samantalang hindi na nga siya pinapansin?

“Hindi ba siya nahihiya sa ganu’n? Panay ang banggit niya sa name nu’ng guy, samantalang hindi naman siya pinag-uukulan ng panahon?

“Ano ba talaga ang hindi niya makalimutan tungkol sa male personality at nagkakaganyan siya?” unang tanong-opinyon ng aming impormante.

Maraming kuwentong inilalabas ang female personality tungkol sa kilalang lalaking personalidad pero ayon naman sa kampo ng male personality, imbento lang ang lahat ng babae, imahinasyon lang niya.

“May mga pagkakataon ngang nagugulat na lang ‘yung guy dahil tinatanong siya ng press tungkol sa mga bulaklak na ipinadadala kuning-kuning niya sa girl!

“Pero ayaw niya namang mangpahiya ng tao, masyado siyang marespeto, kaya tinatawanan na lang niya ang tanong kesa sa sabihin niyang wala siyang alam tungkol du’n!

“At magaling na oiler (maglangis) ang girl, nireregaluhan niya ang mga taong malapit sa male personality, talagang may-I-give siya ng mga gifts!

“Nakakaloka siya, talaga bang dumating na siya sa point na nabubuhay na lang siya sa ilusyon? Saka teka lang naman muna. Bakit nga ba walang nanliligaw sa babaeng ‘yun?

“Natatakot ba sila dahil sa mga nakaraang karanasan ng mga nakarelasyon niya na ipinahiya niya in public at sinira-siraan pa? Matindi ang problema ng babaeng ‘yun!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nasa kanya na ang lahat, pero wala namang nagkakagusto sa kanya! Nakakaawa naman siya, sa true lang!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

John Lloyd ‘di naitago ang kaba-Willie

Pigil na pigil ang emosyon ni John Lloyd Cruz nang sumalang siya sa pinakamalaking promosyon ng Shopee. Kundi nakapagpigil ang magaling na aktor ay magmimistulang madramang serye ang okasyon.

Sa backstage pa lang ng Araneta Coliseum ay panay-panay na ang pasasalamat niya kay Willie, ang naging susi sa kanyang pagbabalik sa pagharap sa publiko at mga camera, ninenerbiyos si Lloydie.

Hindi nga naman kasi biro ang halos apat na taong pagkawala, mag-uumpisa na naman siya sa zero, pero dalawang-kamay na tinanggap ng publiko si John Lloyd Cruz.

Tuluy-tuloy na sana ang kanyang pagbabalik, kailangan siya ng industriyang kinabibilangan niya, ang tulad ni Lloydie na matagal mang mawala ay palaging may espasyo pa ring babalikan.

Kuwento ni Willie, “Sabi ko sa kanya, wala siyang dapat ikanerbiyos, mahal na mahal siya ng mga kababayan natin. Nandu’n kasi sa mukha niya ang excitement, pero hindi rin niya maitatago ang kaba. Natural lang naman ‘yun, four long years siyang nawala sa circulation, kasali ‘yun.

“Pero maganda talaga ang puso ni John Lloyd, nagkaroon ako ng chance na makilala siya, saludo ako sa taong ‘yun. Sikat na sikat, pero wala kang mararamdamang kayabangan sa kanya, napaka-down to earth niya,” papuri ng TV host sa aktor.

Malaki ang posibilidad ng kanilang pagsasama sa isang sitcom sa GMA-7 na niluluto na ang magiging konsepto ngayon.

“Ang dami-daming may gustong makasama siya, iba talaga ang John Lloyd Cruz!” sabi uli ni Willie Revillame.

Leave A Reply

Your email address will not be published.