Abante Tonite Interactive

Female personality nabuking ng politician ang kasinungalingan sa pera

698

ISA sa maraming dahilan kung bakit nagkahiwalay ang isang kilalang female personality at ang kanyang karelasyong pulitiko ay pera.

Hindi direktang pinerahan ng aktres ang kanyang boyfriend, hindi ganu’n ang ikot ng kuwento, pero sa huling suma ay pera pa rin ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kuwento ng isang source na may malalim na alam tungkol sa istorya, “Maraming raket ang female personality, di ba? Kaso, mukhang hindi ‘yun ang linya niya, palagi kasi siyang nalulugi, nagsasara ang negosyo niya.

“So, nu’ng magkarelasyon pa sila ng politician, e, marami siyang sinososyohang raket. Pera ng boyfriend niya ang ginagamit niya, pero ang masakit lang, e, wala nang balikan ‘yun!

“Ang palaging reason ng girl, e, hindi pa raw siya nakakasingil, hindi pa raw siya binabayaran, pero nabuking ng boyfriend niya na puro alibi lang niya ‘yun!

“Nakilala ng pulitiko ang mga taong sinosyohan ng girl, matagal na pala siyang bayad, naibalik na sa kanya ang ipinangsosyo niya, pero idinedenay niya ‘yun sa BF niya!

“Hanggang sa ‘yun na! Tinabangan na sa kanya ang guy, nawalan na ng trust sa kanya, kaya hiniwalayan siya,” mahabang kuwento ng aming source.

Kabit na aktres nabuking ni misis sa buhok

BUHOK lang pala ang naging dahilan kung bakit nabuking ng misis ng isang kilalang male personality ang relasyon nila ng isang aktres.

Tama, mga hibla lang ng mahabang buhok ng aktres ang nagbuking sa relasyon nila ng pamosong male personality.

Sabi ng nagkuwentong impormante, “Ewan kung sinadya ng female personality na ilagay ang brush niya sa leather bag ng male personality. Nakita ‘yun ng wife ng aktor!

“E, matagal na siyang may kutob na may relasyon ang husband niya, saka ang aktres, confirmed, sabi ni misis!

“Para wala nang masayang na oras, tinext ng wife ng aktor ang female personality, ang sabi niya, ‘Please claim your hairbrush in our house. It’s with me.’

“Naloka ang female personality! Tumawag siya agad sa escabeche niyang aktor, buking ang relasyon nila! Deadma lang siyempre ang male personality, wala siyang inamin, malay raw ba niya kung kaninong brush ‘yun?” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Liza, Nadine sasabuyan ng asido

ISANG hitad ang nag-post sa kanyang Twitter account ng isang pagbabanta kina Liza Soberano at Nadine Lustre. Sasabuyan daw nito ng muriatic acid ang mukha ng dalawang aktres.

At may eksaktong lugar pa kung saan nito sasabuyan ng muriatico sina Liza at Nadine, sa ABS-CBN Ball daw, sabi ng nagpakilalang Kath.

Pero matindi ang katangahan ng nagbabanta dahil Kath na nga ang ginagamit nitong pangalan sa kanyang account ay retrato pa ni Kathryn Bernardo ang ginawa nitong ID.

Gamit na gamit si Kathryn ng hitad, halatado ring hanggang salita lang naman ang kayang gawin nito, dahil kung matapang ang Kath echos na ‘yun ay hindi na sana nito ipinaalam pa kina Liza at Nadine ang plano nitong gawin.

Deactivated na ang account ng nananakot, hindi kasi nito kakayanin ang mga komento ng mga nagmamahal kina Liza at Nadine, naghukay ng kanyang paglilibingan ang Kath ewan na ito.

Pero huwag pakasigurado ang nagbabanta, may ginagawa nang aksiyon ngayon ang mga kampo nina Liza at Nadine, baka magulantang na lang ito kapag may kumakatok nang otoridad sa kanilang bahay.

Ang mga tao nga namang walang makabuluhang nagagawa sa buhay, kung anu-ano na lang ang naiisip, pero takot naman sa sarili nilang multo!