Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nagbitbit ng mhin sa hotel

0 77

Kuwento ng isang impormante, “Pagsama-samahin na ang kahitaran ng lahat ng mga female personalities at isa lang ang katapat nila, ang kilalang babaeng personalidad na para lang nagkukukot ng butong-pakwan sa pagpapalit ng karelasyon!”

Ibang klase ang female personality na ‘yon lalo na nu’ng kasagsagan ng career niya. wala siyang sinasanto, wala siyang pinipiling panahon, nag-iisa lang siya.

Kuwento ng aming source, “Hindi uso sa kanya ang ligawan. Baduy ‘yun para sa kanya! Basta nagkatinginan sila ng guy, e, ‘yon na ‘yon! Alam na nila ang kasunod!

“Napakabilis niyang magpalit ng boyfriend, araw lang ang pagitan, ang bilis-bilis talaga niyang madarang!” unang kuwento ng aming source.

Kapag nagkakaroon ng show sa ibang bansa ang female personality ay alam na ng kanyang mga kasamahan kung ano ang magaganap pagkatapos ng kanilang performance.

Balik-kuwento ng aming source, “Siguradong may bitbit siyang mhin sa hotel! Totoo ‘yon, tanungin n’yo man ang mga dati niyang nakasama sa ibang bansa!

“Hindi siya papayag na wala, promise! Kailangang merong magtatanggal ng pagod niya, sa totoo lang! E, sa ibang bansa pa naman, imposible ba nng ganu’n?

“Eye-to-eye contact lang ‘yon para sa girl! May kakausapin lang siya at panalo na ang plano niya! Ganu’n siya kabilis nu’ng kasagsagan ng career niya!” madiin pang patotoo ng aming source.

Pero ngayon ay nananahimik na ang female personality, may pamilya na siya ngayon at sa ibang bansa sila naninirahan, tapos na ang kanyang kalokahan.

“Alam n’yo bang kinarelasyon niya nang sabay ang dalawang politicians? Walang-kaalam-alam ang dalawa na pinaiikot pala sila ng girl!

“Magaling sa timing at scheduling ang female personality, kapag paalis na ang politician na na unang dumating, parating naman ang ikalawang politician, laban kayo sa kanya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Grabe talaga siya! Tinodohan niya ang kalokahan niya! Walang kakabog sa kanya!” patatapos ng aming impormante.

Daniel inupakan ng mga supporter nina Digong, Quiboloy

Pinakakain ngayon ng ampalaya ng mga tagasuporta ni PRRD si Daniel Padilla. Nag-ugat ‘yun sa isang marahas na post ng aktor tungkol sa sinasabing bestfriend ni Pangulonng Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy na kinasuhan sa Amerika.

“Isa-isa nang kinukuha ni satanas” ang maigsing post ni Daniel, wala siyang binanggit na pangalan, pero ipinost pala niya ‘yun pagkatapos ng news na inilabas ng ABS-CBN.

Dahil du’n ay puro pamba-bash ng DDS ang kailangang tanggapin ni Daniel. Dalawa sila ni Angel Locsin na pinaiinom ng apdo.

Kung lalaliman ang pag-iisip ay ang pagkatanggal ng prangkisa ng network ang pinakaugat ng kanilang emosyon. Parehong lantad sa kanilang mga pahayag sina Daniel at Angel.

At mauunawaan naman ang kanilang damdamin, sobrang naapektuhan sina Daniel at Angel sa pagkawala ng prangkisa ng kanilang network, buslo na pinagkukunan nila ng biyaya ang ABS-CBN.

Direktang isinasangkot ng mga taga-ABS-CBN ang pastor na unang nakaengkuwentro ni Vice Ganda, nagkasagutan sila, hanggang sa magpakawala ng pahayag ang tagapamuno ng simbahan na isang araw ay hindi na mararamdaman pa ng istasyon.

Natural, hanggang ngayon ay bitbit ni Daniel Padilla ang senaryo, kaya nang sumambulat ang balitang kinasuhan sa Amerika ang pastor ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili sa pagkokomento.

Pero tama rin naman ang punto ng mga kababayan natin. Hindi dapat binabanggit ang salitang satanas. Kailangang maingat tayo sa paggamit ng salitang ‘yon.

Ang mga tagasuporta ng Kingdon Of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy ay galit na galit din kay Daniel Padilla. Mapagpanggap daw na perpekto ang aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.