Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality naghahanap ng aawayin

0 251

Nakakaloka ang mga kuwentong kinasasangkutan ng isang female personality na hindi sanay sa tahimik na buhay. Kung maraming personalidad ang nangangarap ng buhay na walang kontrobersiya ay ibang-iba naman ang babaeng ito na gustung-gustong nasa gitna ng kahihiyan ang kanyang sarili.

Talaga palang planado ang kanyang mga pagtutungayaw. Kapag naiinip na siya ay kailangan niyang mangalampag ng mga artistang nasa gitna pa ng aksiyon para lang siya mapag-usapan.

Kuwento ng isang source na minsang tinawagan ng female personality na nilipasan na ng panahon, “Naku, nagulat ako nu’ng bigla siyang tumawag, matagal na kasi kaming walang communication!

“Aba, nagtatanong siya kung sino raw ba ang puwede niyang awayin para mapag-usapan lang siya! Nalokah ako, siyempre! Pandemya ngayon, maraming nagugutom dahil sa kawalan ng pagkakakitaan, pero ang gagang babaeng ‘yun, kung sino ang aawayin niya ang tinututukan?” pag-amin ng impormante.

Hindi raw talaga mapakali ang babaeng personalidad kapag tahimik ang kanyang buhay. Kailangan niyang gumawa ng isyu para lang maging laman siya ng mga diyaryo.

Isang source naman ang nagkuwento, “At pumipili talaga siya ng mga personalities na may dating, ha? ‘Yung sikat, ‘yung hindi siya katulad na waley na!

“Ang problema lang, e, tapos na ang panahon niya, wala nang pumapatol sa mga kahibangan niya, kailangan niyang tanggapin na tapos na tapos na ang panahon niya!

“Kung dati, e, pinapangalanan pa siya, ngayon, pang-blind item na lang siya dahil sayang ang espasyo kung babanggitin pa ang name niya, ‘no!

“Aba, gusto pa niyang biktimahin ang isang female personality na maligaya ang buhay ngayon! Kesyo nu’ng magkita raw sila sa isang mall, e, hindi man lang siya pinansin, suplada kuno ang magandang female personality!

“Aba, umaasa pala ang hitad na babae na kilala siya ng buong mundo! Hindi lang siya nakilala, suplada na” Naku, hanggang blind item na lang talaga siya ngayon!

“Magbukaka man siya mula sa Monumento hanggang sa Baclaran, tumambling man siya, e, wala nang papatol pa sa kanya, cheap!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Staff ni Willie nagbunyi nang di tumakbo sa politika

Inaangkin na ngayon ni Willie Revillame ang kanyang oras. Panay-panay ang pagbabalik-balik niya sa Mindoro para personal na pamahalaan ang ipinagagawa nniyang 7-star hotel.

Palagi rin siyang lumilipad papuntang Iruhin, Tagaytay para matapos na ang mga villas na matagal na dapat tapos pero ang dami-dami pa niyang ipinadadagdag.

Sabi ng isang common friend namin ng TV host, “Napakatagal na sanang tapos ang mga villas niya sa Iruhin, napakarami na ngang nag-i-inquire kung puwede na raw bang rentahan ng mga bakasyunista, pero hindi pa rin makumpleto!

“Paano, kapag iniikutan niya ang mga villas, meron na naman siyang ipinatitibag, tapos, meron siyang ipinadadagdag! Paano nga matatapos ‘yun kung ang dami niyang ipinababago?” tawa nang tawang kuwento ng kaibigan namin ni Willie.

Maraming buwan siyang naabala sa pagdedesisyon kung papasok ba siya sa politika o hindi. Si Willie pa naman, hindi niya kayang pahindian ang mga lumalapit sa kanya, pero mabuti na lang nitong mga huling panahon ay nakapag-isip siya nang wasto.

Nabuhayan ng loob ang mga staff ng Wowowin. Nagbunyi ang buong produksiyon nang magdesisyon siyang hindi na tatakbo. Masayang-masaya ang kanyang mga kaibigan sa kanyang pananinindigan.

Hindi dinisenyo sa mundo ng pulitika si Willie. Hindi niya makakayang tiisin ang matindihang away-politika. Hindi ‘yun ang hanay na dapat niyang linyahan.

Nu’ng long weekend ay tinext niya kami, “Nandito kami sa Puerto Galera, taped ang Wowowin sa November 1 and 2. Kasama ko ang mga anak at apo ko. Premyo ko naman ito sa sarili ko,” komento niya.

Dapat lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.