Abante Tonite Interactive

Female personality nagmaldita sa saleslady

379

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Bakit kaya mara­ming hindi naniniwala sa kabaitan ng isang pamosong female perso­nality? Kaliwa’t kanan ang mga lumalabas na balita at kuwento ng kagandahan ng kanyang puso pero bakit kaya maraming nagsasabing bait-baitan lang naman siya?

May mga larawan siyang lumalabas na may mga katabi siyang bata, malapit daw kasi ang puso ng magandang aktres sa mga batang iniwan ng mga magulang, madalas din siyang magbigay ng donasyon sa mga bahay-ampunan.

Pero bakit maraming hindi naniniwala sa kanyang mga ginagawa? Bakit marami pa ring kuwentong lumalabas tungkol sa kanyang kamalditahan?

Kuwento ng aming source, “May kuwento kasing lumabas tungkol sa kanya nu’ng minsang mag-shopping siya ng mga stuff niya. Puro branded siyempre ang mga kagamitan niya, di ba?

“Natural, tinamaan ng nerbiyos ang mga sales ladies nu’ng makita siya. Na-starstruck, ganu’n! Parang bigla silang kinabahan dahil ang client nila, e, sikat na female personality!

“So, habang pinipili ng female personality ang mga type niyang bilhin, e, humihingi siya ng size niya. Give naman ang mga nag-a-assist sa kanya.

“Kaso, may kahalo ngang nerbiyos ang pag-aabot sa kanya ng mga kailangan niya, kaya minsan, e, mali-mali ang size na naibibigay sa kanya!

“Ay, naimbiyerna ang girl, tala­gang kung anu-ano ang sinabi niya sa mga girls, ibinabagsak pa niya ang mga ladies wear na napipili niya.

“Natural, nakaabot ‘yun sa social media, may nag-post! Pero binura rin naman agad. Na-shock ang mga sales ladies sa ginawa niya. E, ilang araw pala bago siya dumating sa shop, e, nag-shopping din ang isang female personality.

“‘Yun ang balitang-balitang maldita at isnabera! Pero kahit daw mali-mali ang naiaabot ng mga sales ladies, e, ang bait-bait pa rin ng girl!
“Ang sabi pa raw sa kanila nu’ng balitang maldita, ‘O, huwag kayong ma-tense, tao lang din ako! Pare-pareho lang tayong tao!’

“Kaya ang sabi ng mga girls, e, hindi raw totoo ang mga lumalabas na kuwento. ‘Yung maldita raw ang mabait at ‘yung palaging may press release na nice ang bait-baitan lang!

“Magkaaway sila, di ba? Pero ‘yung sinasabing maldita raw ang mabait talaga, hindi sumisimangot, hindi naiinis, hindi nangbabagsak ng mga pinamimili niya!” pagtatapos ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!
***

Gretchen, Claudine mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig

Di ba naman, napakagandang mabasa ang kuwento na nagkasundo na ang dating magkaaway na magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto?

‘Yun ang positibong kuwento, hindi ang pakikisawsaw ng mas nakatatandang Barretto sa isyu ng may isyu, isang patunay lang ‘yun na anuman ang mangyari ay mas matimbang pa rin ang dugo kesa sa tubig.

Na dapat lang naman. Sinu-sino pa ba ang magdadamayan sa buhay kundi ang magkakapamilya lang? Iisang sinapupunan ang kanilang pinagmulan kaya dapat lang naman silang magkasundo at magmahalan.

Nakilala pa namang kuyog ang mga Barretto. Saktan mo ang isa sa kanila at para mo na ring sinaktan silang lahat. Hanggang sa magkaroon na nga sila ng problema, nagkampihan sina Claudine at Marjorie, kalaban si Gretchen.

Pero iisang dugo pa rin sila. Laban kaninuman ay magkakasangga ang magkakapatid. ‘Yun ang magandang balita tungkol kay Gretchen.

At maraming masaya sa kanilang pagsasama ni Claudine, paminsan-minsan man ‘yun ay tumatatak sa ating mga kababayan, dahil ang magkakadugo kailanman ay hindi puwedeng pagwatak-watakin.
Panalo!