Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nagpanggap na dyowa ng politician

0 150

Napakalaki ng bentahe ng popularidad sa mundo ng pulitika. Aminado ang mga pulitiko na mas kilala sila ay mas tumatatak ang kanilang pangalan sa mga botante.

May mga baguhang tatakbo sa iba-ibang posisyon ang bumabayad pa nu’n ng mga personalidad para lang magkunwaring magkarelasyon sila.

May mga naaalalang pangalan ang aming impormante na pumayag sa ganu’ng usapan, binayaran sila ng kampo ng pulitiko para lang magpanggap na meron silang relasyon, kahit pa drawing lang naman ang lahat.

Kuwento ng aming source, “Naalala namin ‘yung isang kilalang female personality na kumita nang milyon para lang magpanggap na boyfriend niya ang kumandidato sa isang malaking city.

“Mayaman ang kandidato, pero wala siyang kalaban-laban sa incumbent mayor ng city, kaya naisipan ng kampo niya na kunin ang serbisyo ng female personality na sikat.

“Walang ibang gagawin ang female personality kundi ang magpa-interview na kunwari, e, sila na nu’ng politician. Sweet-sweetan pa sila habang nasa harap ng mga camera.

“Gusto talaga nilang paniwalain ang publiko na sila na nga, samantalang may boyfriend namang artista ang girl, nakakaloka! Isa pang kasama sa contract, e, aakyat sa kampanya ng politician ang girl, du’n naman nila ipakikita sa mga constituents ng politician na magkarelasyon sila!

“Ang ending? Olats ang pulitiko, napakalakas naman kasi ng kalaban niya, pero kumita na nang milyones ang magandang girl na ipinarada niya sa kabuuan ng kampanya niya!

“Ang nakakatawa pa, habang nagaganap ang pagpapanggap ng girl na sila na ng pulitiko, e, nasa kotse lang ang boyfriend niya, naghihintay na matapos ang drama ng girlfriend niya at nu’ng pulitiko!

“Pumayag sa usapan ang boyfriend ng girl, kaya duda ng mga miron, e, meron siyang balato sa malaking kinita ng female persponality sa pagpapanggap!

“Kapag naaalala ‘yun ng girl, e, natatawa na lang siguro siya, dumating kasi siya sa point na para kumita lang, e, nagpanggap siyang girlfriend nu’ng bagitong politician.

SM food to go Banner Ad

“Maganda na ang buhay niya ngayon, sikat pa rin siya, nakapangasawa siya ng isang male celebrity na may kapatid ding artista,” natatawa ring pagtatapos ng aming impormante.

Andrea type sapakin ng Team Bianca

Inis na inis kay Andrea Torres ang mga kaibigan naming tumututok sa “Legal Wives.” Gusto nilang lamukusin ang bibig ni Ada, ipagduldulan sa sahig ang mukha, dahil sa pang-aapi kay Bianca Umali.

Tawa kami nang tawa sa kanilang mga reaksiyon, ibig sabihi’y epektibo ang pag-arte ni Andrea bilang asawa ni Dennis Trillo na selosa, suwapang sa pagmamahal at maldita.

Awang-awa naman ang mga ito kay Bianca na kinakawawa ni Andrea, pareho lang silang pinakasalan ni Dennis (pati si Alice Dixson), pero iba ang dahilan ng ikot ng kuwento ni Bianca na sinalo lang ni Dennis sa matindig kahihiyan nang magdalantao.

Gandag-ganda kami kay Bianca Umali. Walang maling anggulo ang dalaga. At mahusay siyang umarte. Natural, alam niya ang kanyang ginagawa, kuhang-kuha niya ang simpatya ng manonood.

Napamahal din siya nang husto sa publiko dahil sa malaking respeto at pagmamahal niya sa kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Hindi man nila ipinaglalantaran ay magkarelasyon sila ni Ruru Madrid. Bagay na bagay sila, kung sila nga ang magkakatuluyan ay siguradong napakaganda ng kanilang magiging produkto, sana nga ay magtagal ang kanilang relasyon.

Sabi pa ng isang kaibigan namin, “Kapag kinakawawa siya ni Andrea sa mga eksena, e, gusto kong pumasok sa TV para ako ang magtanggol kay Bianca!

“Ang sarap-sarap sapakin ni Andrea! Wala siyang puso, sakim!” komentong hinahalakhakan lang namin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.