Abante Tonite Interactive

Female personality nagpapabagsak sa tomaan

0 704

NAG-throwback ang isang grupo ng mga production people ng isang network tungkol sa isang kilalang female personality na parang umiinom lang ng tubig kapag naglalasing.

Saludo ang lahat sa female personality, kayang-kaya raw kasi niyang dalhin ang kanyang sarili kahit napakarami na niyang naiinom na alak, parang may alulod daw sa lalamunan ang magaling na aktres.

Kuwento ng isang source na nakainuman mismo ng aktres, “Dumating kami sa house niya nu’n na tumotoma na siya. Tapos, binigyan din niya kami ng isang bote ng mamahaling alak.

“Nagbiro pa siya, hindi raw matutuloy ang interview namin sa kanya kapag hindi kami sumabay sa pakikipag-inuman sa kanya! So, kami naman, uminom na rin!

“E, bagsak na kaming lahat pero si ____ (pangalan ng mahusay na aktres), nakakatayo pa rin, parang hindi man lang siya nalalasing!

“So, na-delay ang interview hindi dahil sa kanya kundi dahil sa amin, kasi, hindi kami makapagtrabaho dahil sa kalasingan!

“Paano kami makapagtrabaho, e, ‘di palaging made-defocus ang mga camera? Naku, pinagalitan kami ng EP namin, nasabon kami, naging iresponsable naman kasi talaga kami!” tawa nang tawang pag-alala ng aming source.

“Nu’ng mahimasmasan na raw ang tropa ay sinimulan na nila ang interview sa female personality. Parang wala lang, parang hindi man lang siya nakainom, napakaayos niyang kausapin.

Sabi naman ng isa pang nakatomaan ng babaeng personalidad, “Ilalaban namin siya kahit kanino, siguradong patataubin niya! Grabe siyang uminom, matindi siya! Parang hindi siya tinatablan ng alak!

“Suwabe siyang uminom, kinakaya niya ang isang bote ng hard, kanya lang ‘yun, wala siyang ka-share! Pero naman, naubos niya na nga ang isang bote, matinung-matino pa rin siya!

“Kung ilalaban natin siya du’n sa isang male personality na war freak kapag nakakainom, e, siguradong babagsak siya! Walang-wala siyang kalaban-laban sa girl!

“Magmumukha lang siyang second rate, trying hard, copycat kapag naglaban sila sa tomaan, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Francis M nabuhay kay Elmo

KASAMA si Elmo Magalona sa mga nag-perform nu’ng pasisimula ng SEA Games sa Philippine Arena. Isang kaibigan namin ang nagkomento na akala raw nito ay namamalikmata silang mag-iina nang makita nila ang guwapong young actor.

“Para kasing nabuhay si Francis! Magkamukha silang mag-ama, plakado!” sabi ng aming kaibigan. Ipinadala namin kay Pia Magalona ang text.

Sabi ng misis ni Francis, “Naiiyak ako! Magkamukha talaga sila, pati sa kilos, iisa lang ang galaw nila!”

Na totoo naman, dahil nang lumabas na si Elmo Magalona ay nagsigawan din ang aming mga kasambahay, “Hala! Francis na Francis si Elmo! Parang nabuhay uli ang tatay niya!”

Isang patunay lang ito na ang piyesang “Mga Kababayan Ko” ni Francis Magalona ay maituturing nang klasiko. Hindi maaaring malimutan, buhay na buhay, kahit pa maraming taon nang namamayapa ang idolong musikero ng ating mga kababayan.

Daniel mahilig sa mga kantang singtanda ng kanyang lola

BAGAY na bagay kay Daniel Padilla ang mga klasikong kanta. Sa hanay ng mga sikat na kabataang artista ngayon ay si Daniel lang ang mahilig sa mga piyesang kasingtanda na ng kanyang mga lolo at lola.

At magaling siyang gumalaw, seksing-sexy siya habang kumakanta, tama lang ang pagpapakilala sa kanya ni Martin Nievera bilang King Of Swag.

Bukod sa napakaguwapo na ay puwedeng ilaban nang sabayan si DJ sa pinakamahuhusay nating singers nang hindi siya mapag-iiwanan.

Lulutang pa rin si Daniel Padilla dahil ibang klase ang kanyang atake, simpleng-simple pero rock!